in

Ambassador Reyes nakipagpulong sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa Cagliari

Ambassador Virgilio Reyes sa isang matagumpay na pakikipagpulong sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa Cagliari, kasabay ng Consular Outreach Program.

Cagliari, Hulyo 29, 2012 – Matagumpay ang mga naging paghaharap nina Ambasador Reyes, Jr kay Prefetto Giovanni Balsamo, kay President Angela Quaquero ( Provincia di Cagliari), kay  Assesore Alessandra Zedda ng Sardegna Autonomous Region at kay  Mayor ng Cagliari Massimo Zedda sa isinagawang Courtesy ng Embahada sa mga lokal na opisyal ng Cagliari noong nakaraang Sabado.

Pinuri ng Prefetto ng Cagliari ang mapayapang pamumuhay ng mga Pilipino sa teretoryo ng Cagliari.

Binigyang pagpapahalaga naman ng Presidente ng Probinsya ng Cagliari ang pangangailangan ng isang Honorary Consul ng Embahada ng Pilipinas para sa Cagliari. Dagdag pa niya na bukas ang kanyang tanggapan at handang tumulong sa mga pangangailangan ng mga Pilipino para mapaunlad ang kaalaman sa lingua Italiana at iba pang servizio na sakop ng kanyang tungkulin bilang Assessore ng Politiche Sociale.

‘Bi-lateral Exchange of Commerce and Trading’ naman ang naging paksang usapan sa pagitan nina Ambasador Reyes at ng kinatawan ng Presidente ng Autonomous Region ng Sardegna na si Assessore Alessandra Zedda. Tinalakay ng dalawa ang mga posibilad ng pagpapalitan ng kalakal sa pagitang ng Sardegna at ng Pilipinas.

Inilahad  naman ng Mayor ng Cagliari, Massimo Zedda sa ating butihing Ambasador ang kahalagahan ng partisipasyon ng mga Pilipino sa napipintong pagbubuo ng Consulta ng Immigrati sa Cagliari.

Si Ambasador Reyes kasama si Madame Reyes at ang buong Consular Outreach Team sa pangunguna ni ConGen Grace Cruz-Fabella ay nasa Cagliari mula 27-29 ng Hulyo para sa Bisitang Ambasador at Consular Outreach Program na inorganisa ng Dangal ng Guardians Cagliari at Kabalikat 09100. (ulat at larawan ni Elmer Orillo)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Impeksyon, dahilan ng pagkamatay ng sanggol sa San Giovanni

Regularization: Mag-ingat sa mga manloloko!