Dalawampu’t walong taon ng naninirahan sa Milan, at ngayon ay aktibo sa ilang asosasyon sa Inzago Milan, na tumutulong sa Filipino community doon. Isang pasyon, bilang boluntaryo na nagsimula noong 2009 matapos ang partesipasyon sa formation course ng Mapid, na inorganisa ng Ismu foundation.
Milan, Nobyembre 11, 2016 – Si Anabel Mayo, 55 anyos, ipinanganak sa Luzon at kasalukuyang residente sa Inzago (North Milan) ay pinarangalang Global FWN100™ Award sa taong 2016, isang international award na ibinibigay taun-taon sa 100 Most Influential Filipina sa buong mundo.
Dumating sa Italya 28 taon na ang nakakaraan, si Mayo sa taong 2009 ay lumahok sa isang kurso ng Mapid o Migrant Associations and Philippine Institutions for Development. Ito ay inorganisa ng Ismu Foundation para sa proyekto ng Scalabrinian Migration Center at pinondohan ng European Commission. Layunin ng naturang proyekto ang capacity-building ng mga asosasyon at institusyon ng mga Pilipino sa Italya at Spain sa pamamagitan ng cross border collaboration upang lalong mapalalim ang kanilang papel bilang mga katuwang sa pag-unlad sa pagitan ng Europa at South East Asia.
Si Anabel, ina ng dalawang-anak ay pinarangalan sa kanyang social commitment bilang Behind the Scenes Leader. Hindi makapaniwala si Anabel ng magtanggap ang magandang balita ukol sa parangal at kasabay nito ang kanyang pasasalamat: ““Masayang-masaya ako sa parangal na ito.Salamat sa Mapid, at nagkaroon ako ng pundasyon sa aking paglago bilang boluntaryo at bahagi ng welfare para sa promosyon ng dialogo sa pagitan ng mga kultura at integrasyon. Pinasasalamatan ko rin ang mga Comune ng Inzago, Cassano d’Adda at Milan, na aking kaagapay sa bawat proyekto para sa aking komunidad, para sa lahat ng mga migrante at para sa komunidad na sa amin ay tumanggap”.
“Paki gising nga ako, parang isang panaginip ang makasama sa isa sa 100 most influential Filipina women sa buong mundo”, dagdag pa ni Anabel.
Ang makasalamuha, mapakinggan at may matutunan mula sa kanilang mga karanasan ay napakalaking pribiliheyo ayon pa sa kwento ni Aanabel.
Sa kasalukuyan, si Mayo ay isang Councilor at Treasurer ng Associazione Città Mondo at kasalukuyang presidente ng asosasyong I Colori del Mondo d’Adda, miyembro ng Consulta di Volontariato ng Comune di Inzago at miyembro ng Filipina Women Network.
“Nakatanggap ako ng mga papuri buhat sa mga kaibigan lalong higit buhat sa institusyon sa Pilipinas at Italya, nakaramdam ako ng rispeto at pagpapahalaga buhat sa kanila”, dagdag pa ni Anabel.
Ang parangal na ito, pati ang natanggap noong nakaraang Abril sa Palazzo Stellina (per l’impegno nel promuovere l’integrazione e la convivenza tra popoli), ay magsisilbing inspirasyon sa mas mahaba pang tatahaking mundo ng pagiging boluntrayo. Nananatili ang kanyang hangaring maglingkod sa komunidad upang higit itong ipakilala sa host country: “Ang Filipino migrants ay mayaman sa kultura at puno ng lakas at talino hindi lamang bilang mga domestic workers”, pagtatapos ni Anabel.