in

Anak ko ‘yan, may talent!

Milan, Enero 7, 2014 – Isang tagisan ng pagpapakita ng talento ng mga bata ang matagumpay na ginanap noong December 29, 2013 sa Teatro Don Bosco, Milan. Pinangunahan ang pagdiriwang ng mga organizers na sina Jocelyn Gacad, Arnold Gatchalian , Roger Esteron at XP Dimaano Evangelio.

Buwan ng Nobyembre 2013, nagsimula ang auditions sa mahigit 25 kabataan mula 7 hanggang 13 taon gulang. Ang mga talento nila ay ang pag-awit, sayaw, diagolo, paggamit ng musical instruments.

Ang layunin ng mga organizers ay upang ipakita sa buong mundo na ang mga kabataan ay nabibigyan ng tamang gabay ng kanilang mga magulang.

"Ang mga kabataan sa kasalukuyan ay mapupusok, agresibo, subalit sa kabila nito, sila ay malikhain, madali silang matuto, mahilig sa mga makabagong teknolohiya, at gusto nilang tumayo sa sarili nilang mga paa", ito ang opinyon ng ilang mga Pilipino sa Milan.

Dinagsa ng mga kamaganakan, mga kaibigan at mga kakilala ang 17 kabataang finalists para sila ay suportahan. Siyam naman ang gumanap bilang mga hurado na kinabibilangan nina, Eugene Castillo, Edmond Dugay, Ayo Nova, Teresita Potenciano, Vrenda Gatchalian, Jilian Dee, Joyce Gabriel, Ermi Cil at Irma Barcellona.

Lahat ng mga talento ay nakatanggap ng plaque of appreciation, mga special prizes din para sa top 3.

Ang 1st place ay napanalunan ni Anna Labandia Tonelo, 7 taong gulang at nag mula pa ito sa Vicenza, Italy, ayon naman sa kanyang mga magulang, si Anna ay nanalo sa ginanap na Little Miss Philippines 2013 sa Verona, Italia.

Sumunod naman si Alessandra Kenzy Vallente, 9 taong gulang na ang talent niya ay ang pag-awit.

Pumangatlo naman si Christine Alexa Perez 8 taong gulang, awit at sayaw naman ang kanyang ipinamalas na talent sa mga manonood sa loob ng auditorium.

Sa pagtatapos ng contest, nangako ang isa sa mga sponsors ng naturang patimpalak na isasali ang 1st place sa concert tour nina Dennis Padilla at Yeng Constantino nitong taon 2014 sa Milan.

Matapos ang naging tagumpay, ayon sa mga organizers, ay magkakaroon din ng pangalawang edisyon ang naturang kompetisyon nitong taon.

Mabuhay kayong mga magulang na gumagabay sa inyong mga anak. Nawa'y ipagpatuloy niyong alalayan sila sa tamang daan upang makamit nila ang kani-kanilang ambisyon sa buhay. (ni: Chet de Castro Valencia at R.M. photography)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Simbang gabi, ginanap sa Duomo Milan

Mas mabilis na entry visa para sa mga investors, students at researchers