in

ANCOP Global Walk 2018 Ginanap sa Bologna

Ang ANCOP (Answering the Cry Of the Poor) Global Walk ay taunang fundraiser na dinaraos ng samahang Couples For Christ (CFC) para tugunan ang tawag ng mga mahihirap na batang ang pangarap ay makapagtapos ng pag-aaral.  Mula nang nagsimula ang Global Walk sa Pilipinas noong 2011, halos 200 na ang napagtapos nitong mga kabataan sa unibersidad at kolehiyo at halos 50 kabataan naman mula sa mga technical at vocational schools. Sa kasalukuyan,  may mahigit pang 150 kabataan ang pinag-aaral sa mga kolehiyo at halos 400 bata sa highschool at elementarya. Ang nasabing fundraiser ay regular na ginaganap sa buong mundo kung saan man may matatagpuang CFC chapter.

 

Idinaos ang CFC ANCOP Global Walk sa Bologna, sa ikatlong taon, nitong ika- 15 ng Hulyo, 2018 sa Giardini Margherita. Pinasimulan ito ng misang Tagalog/Filipino sa Chiesa Santa Maria della Misericordia sa pamumuno ni Father Jumen Arcelo na nagpaliwanag ukol sa importansya ng pagtulong at pagmamalasakit sa kapwa.

Ayon sa ANCOP Bologna Coordinators na sina Bro. Arleen and Sis. Liza David, ang nalikom na pondo nitong taon ng Bologna chapter mula sa Global Walk ay patuloy na susuporta sa pag-aaral ng isang batang nasa Pilipinas na nagmula sa mahirap na pamilya na sa ngayon ay nasa Grade 8.

 

 

Nagpapasalamat ang CFC Bologna Chapter sa pamumuno nina Bro. Joey ay Sis. Edna Manalang sa mga bisita at kaibigang lumahok at sa mga organisasyong dumalo kagaya ng  El Shaddai Bologna Cell Group, Filipino Women’s League,Tres Marias, PGBI Azzurra Bologna Chapter, Elohim Bologna, Zumba Fitness Class, Hyper Megara Fitness Club, at ang Mayantoquinians.

Sa mga kababayan natin na nais dumalo at tumulong sa mga susunod pang Global Walk sa ibang parte ng Italya, maari kayong makipag-ugnayan sa mga miyembro ng Couples for Christ sa inyong mga lugar. Patuloy nating isulong ang edukasyon ng ating mga kabataang kapos sa buhay.

Sa mga nais malaman ang mga proyekto ng ANCOP at magbigay ng tulong at donasyon,  maari kayong makipagugnayan kay Bro. Arleen David sa numerong (+39) 3287534475.

 

Elisha Gay C. Hidalgo

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

7 taong gulang na bata mula sa Roma, namatay sa Pilipinas dahil sa jellyfish

FCSL SUMMER SPORTS FEST 2018