in

Ang hamon ni SIBI sa Campidoglio

Si Kumaramangalam, kandidato ng PD sa Capital of Italy, ang Rome: "Hindi lamang para sa immigration, kami ay mga mamamayan din tulad ng iba." At inilunsad ang kanyang slogan "Pumili ng isang Italyano"

Rome – Mayo 23, 2013 – "Pumili ng isang Italyano, ipaboto si Sibi."

Ito ay isa sa kanyang mga slogan sa kanyang pagtakbo sa Konseho ng Roma, si Sibi Mani Kumaramangalam, 46 anyos, lahing Indyano, ganap na mamamayang Italyano at kaibigan ng mga Pilipino, tumatakbo para sa PD sa lokal na eleksyon sa lungsod. Isang pag-aanyaya sa 250,000 kapwa imigrante na walang karapatang bumoto na siya ay ipangampanya.

Kumaramangalam (“ngunit sa balota ay sapat ng Sibi lamang ang isulat”, nababahalang binigyang diin ang pangalan) dumating sa Roma mula Kerala noong 1990, taong ang kanyang mga kababayan sa kabisera ay iilan pa lamang. "Lahat kami ay magkakakilala," kwento ni Sibi. Nag-aral ng Engineering sa La Sapienza, ngunit nilisan ang pag-aaral sa kawalan ng sapat na mapagkukunan upang magpatuloy. “Ako ay nagtinda ng ice cream, naging driver, care taker ng isang gusali sa Parioli… Sa ngayon ako ay mayroong tanggapan na nagsasa-ayos ng mga dokumentasyon”.

Matagal nang bahagi si Sibi ukol sa mga tema ng lipunan at ng politika."Nagsimula ako sa Indian community bilang mediator para sa mga kabataan na kararating lamang sa Italya na di marunong magsalita ng italyano. Taong 2004 ako ay kumandidato bilang Consigliere Aggiunto, ngunit hindi ako nahalal bagkus ay naging bahagi ng Consultative body ng mga communities sa Roma”. Doon ako nagsimulang maging bahagi ng Margherita, na naging bahagi ng PD.  

Nahalal sa National PD Assembly noong 2007 at noong 2009, ngayon ay natatanging kinatawan buhat sa ibang lahi. Sya ay head rin ng “No borders”, ang maliit na grupong lokal ng partido ukol sa migrasyon. “Ang aking candidacy – ayon dito – ay hindi lamang isang paraan upang magbigay kulay sa eleksyon, ngunit ito ay makalipas ang isang mahabang proseso. Sumasaklaw rin ito sa pangako ng PD na pagbibigay at pagkakaroon ng kinatawan na mga new Italians.

Isang bagay ang sigurado, kapag siya ay nahalal hindi lamang imigrasyon ang temang haharapin. “Tuwing nakikita ng mga tao ang aking apelyido, iniisip nila na ako ay isang imigrante lamang. Ako ay isang mamamayang italyano din, dito sa Italya ako ay nagtatrabaho at namumuhay at upang mapa-unlad ang aking lungsod, nais kong maging bahagi ng Konseho ng Roma. Nais kong maging bahagi ng tema ng welfare, tulad ng mga hinaharap ng mga kabataan at paghinto sa kanilang pag-aaral, kapaligiran at marami pang iba”.

Sa katunayan, sa kanyang programa ay matatagpuan rin ang tema ng municipal nursery at mga day care. Bilang ama ng isang batang may edad na 4 na taon at kalahati (na nagsasalita ng roman dialect at hindi alam ang kahulugan ng imigrasyon) ay alam ang hirap maipasok ang anak dito: “Ngunit ang pagkakataong ito ay dapat na nakalaan sa lahat ng mga batang ipinanganak sa Roma, kailangang palakihin ang mga nursey at day care na magbibigay rin ng trabaho sa marami”.

Tagasunod ni Renzi, at sa naganap na Primaries ng Roma ay sinuportahan si Gentiloni, “ngunit sa ngayon, tayo lahat ay dapat magkaisa upang mahalal si Ignazio Marino bilang alkalde”.  Sa kampanyang “L’Italia sono anch’io” ay kasamang nakikibaka para sa reporma ng batas ng citizenship at karapatang bumoto ng mga imigrante sa halalang lokal. Totoo na kung ang lahat ng mga new italians ay boboto, maaaring ang hamong ito para kay Sibi ay higit na magiging madali.

"Ang karamihan ng mga imigrante – pag-amin ni Sibi-  ay hindi maaaring bumoto. Ngunit marami silang kakilalang mga italians na maaaring bumoto. Maaring bawat isa sa kanila ay pumili ng isa lamang na kakilala, kumbinsihin upang ako ay kanilang iboto. Sa ganitong paraan lamang ako ay maaaring mahalal”.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

EXPLOSION nagdaos ng konsyerto

Bagong kontrata para sa domestic job, ipatutupad simula July 1