Isang prebelehiyo para sa mga Pinoy sa Napoli na mapabilang sa selebrasyon ng Messa dei Popoli (Mass of the People) noong ika-6 ng Enero 2010 at piyesta ng Epifania sa Cattedrale ng Basilica ng San Gennaro na kilala sa miracolo na natutunaw na dugo tuwing kapistahan (Setyembre 19).
Sa simula pa lang ng selebrasyon ng misa isang panimulang awit ang inawit ng mga Pinoy Choir habang naglalakad patungong altar ang mga pari at sa pangunguna ni Mons. Pasquale Silvestri, Direttore ng Ufficio Migrantes at Arcivescovo ng Metropolitana ng Napoli na si Eminenza Cardinal Crescenzio Sepe.
Sa misa, si Ms. Andrelyn Gregorio, OWWA Welfare Officer sa Roma ang naimbitahang bumasa ng 1st reading, ang Responsarial Psalm, ay binasa sa wikang italyano ni Adriano Posadas, isang estudyante na malapit ng maging abogado at ito’y isang karangalan ng mga Pinoy.
Samantalang sa Offertory ay dalawang Pinay ang kasali na sina Elisa Duenas ng Roma at Herminia Lacerna ang mapalad na nakahalik sa kamay ng Arcivescovo habang ibinibigay ang mga alay.
Iba’t ibang lahi ang dumalo sa pagdiriwang na humigit kumulang isang libo na nagpakita ang kani-kanilang praising kabi; ang Nigeriane, Latino Americano, Pollachi, Sri Lanka, Cinese, Uckraine pero higit pa rin ang Pinoy dahil sa lahat sa kanila tanging isang Pinay ang kabilang sa paghahanda sa katauhan ni Gina Marasigan na tatlong taon ng Consultant ng Ufficio Migrantes at sya ring tumatayong Presidente ng Comunità Filippina di Napoli e Campania kung kaya laging espesayal ang partisipasyon ng mga Pinoy.
Marami ring Pinoy ang nagsimba kung kaya’t nang binati ng Cardinal ang mga dayuhan sa kanilang salita, ang mga Pilipino ang panghuli at pinakamalakas ang palakpak nang sabihing “Maligayang bati sa inyong lahat at Pagpalin kayo ng Poong Maykapal” ay umalingawngaw ang palakpakan sa buong Cathedral.
Nasa 200 bata ang nabigyan ng mga regalo na ipinamahagi ng Ordine di Malta at Movimento Lavoratori Cristiani at marami ring mga batang Pinoy ang nakatanggap nito. (NYLEC)