Florence – Hunyo 19, 2013 – Isang matagumpay na selebrasyon ng ika-115 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas ang ginanap sa Florence noong Hunyo 16, 2013, sa Palazzo Regionale, Piazza Duomo, sa Governor's Hall ng butihing Presidente ng Regione Toscana Enrico Rossi.
Ang nasabing okasyon ay inorganisa ng Confederation of Filipino Community in Tuscany na 5 taon ng punong-abala sa lahat ng Philippine-Italian Nat'l event na katuwang ng Philippine Honorary Consulate Dr.Fabio Fanfani.
“Integration, Second Generation at Citizenship”, ito ang mga temang napagkasunduan buhat sa konsepto na nais iparating, ipakilala at ipakita sa paggunita sa Araw ng Kalayaan ng nasabing samahan.
Ito rin ang nagbuklod sa tatlong malalaking religious groups, ang Filipino Catholic Community of San Barnaba, Assemblea di Dio Missione Evangelica of Firenze at ang Iglesia ni Cristo na nagbigay ng mga kani-kanilang mensahe ukol sa komemorasyon ng ating Kalayaan.
Nagpamalas si Camille Cabaltera ng FEVA Montecatini, ng pagiging isang halimbawa ng kabataang ipinanganak at lumaki sa bansang Italya at ng kanyang tunay na pagka-Pilipino sa pag-awit ng Pambansang Awit, ang “Lupang Hinirang”, gayun din ay kinikilalang halimbawa ng isang well-integrated citizen sa pag-awit naman ng Inno Nazionale Italiano, ang “Inno di Mameli o Fratelli d'Italia”. Sinundan naman ni Ms.Lailani Bajao sa pag-awit ng Isang Lahi.
Lubos na ikinagalak ng mga panauhain ang pag-awit ng dalawa na nagpakita ng tunay na talento hindi lamang sa Tuscany Region gayun din maging sa ibang rehiyon ng Italya.
Layunin ng Confedcomfiltoscana ang maipamalas na ang mga Pilipino ay may likas na talino, sipag, determinasyon at tiyaga bilang migrants sa bansang Italya. Naging mahalaga ang mga sharings, testimonials at proposals ng mga napiling tagapagsalita na sina Ms.Remelie Abrigo- President ng FNAT o ang Filipino Nurses Association Tuscany na nagtatrabaho bilang Nurse, Ms. Loren Balmores, isang mag-aaral at cultural mediator ng ARCI, Ms. Marieta Garbo, cultural mediator sa kalusugan, Ms. Irene Rivera, isang interpreter sa Prefecture at cultural mediator sa Immigration, ang batang si Katrine Torres, isang 9 na taong gulang na mag-aaral ng elementarya at si Arch.Reina Castillo Berganio. Nagbigay ng inspirasyon at kulay ang kanilang mga natatanging kaalaman sa ginawang pagdiriwang.
Naging panauhing tagapagsalita rin si Assessore alla Presidenza Regionale Vittorio Bugli, Honorary Consul Dr. Fabio Fanfani, Consigliera e Presidente Commissione Culturale Quartiere 1 Ornella Grassi, Ufficio Immigrazioni Questura Capo Comm. Dott. Carmelo Contissa, Presidente ng CFCT Percival Capsa at CFCT Vice Pres./ FEA Pres. Dennis Reyes.
Bago tuluyang matapos ang programa ay naging bahagi ang palitan ng ‘handog’ sa pagitan ng mga Institusyong dumalo, isang libro ukol sa dalawang Konstitusyon, ng Pilipinas at Italya na isinalin sa dalawang wika, italyano at tagalog.
Ang simpleng pagdiriwang ng Kalayaan ng CFCT ay tunay na binigyang puri, paghanga at kasiyahan sa bawat isa, lalo’t-higit sa Regione Toscana at sa mga kaibigang Italyanong dumalo at nakiisa sa pagdiriwang.
Ang mga naging hosts ay sina Ms.Loren Balmores at HC Coordinator/CFCT Board Council Divinia Capalad. Ipinaabot ang taos pusong pasasalamat ng Confedcomfiltoscana sa lahat ng dumalo at sumuporta; Dr. Fabio Fanfani, Asses.Vittorio Bugli, Dott.Carmelo Contissa, Ms. Simona Amerighi, Sgra Stefania Belli, Capo Gabineto Regione Toscana Simone Siliani, Dottor Lippi Giancarlo, Italian at Pinoy media, UKP-Photo Kultura, Asso. Nosotras, Asso. Sant'Egidio di Pergola, Asso.Laboratorio Formatica, Fil.Catholic Com.of San Barnaba, Iglesia ni Cristo, ADIMEF, FCA Arezzo, UFAA Arezzo, FEVA Montecatini, AIF Firenze-Impruneta, FIT, Asso.Italo-Filipino Nazionale, Fil.Indipendenza Group, Comfil Livorno, FEA Empoli, Guardians Elite, Filipino Golden Group, Kabati Viareggio, Tau-Gama, Cabalen, Filipino Socio-Cuturale & Sports, Marilag Guardians, Saranay Group, Tampci Foundation, Guardians Brotherhood True Blooded, Guardians group at mga naging sponsors buhat sa business sector. (ni: Divina Capalad)