Isang araw ng linggong puno ng sigla at saya ang sinalubong ng mga kasapi ng samahan ng Guardians International 1st Legion sa Roma noong ika-15 ng Abril 2018. Mahalaga para sa lahat ng GI ang araw na iyon lalong lalo na sa dalawa sa mga sangay nito, ang National Legion at ang Vatican City Legion. Ang dahilan ng partikular na kasiyahang ito ay ang pagdiriwang ng anibersaryo mula ng maitatag ang legion ng GI sa bansang italya. Ang National Branch ay nagdiwang ng ika-13 taong anibersaryo samantalang ika-3 taon naman ng pagkakatatag ng GI sa estado ng Vaticano. Ang pagdiriwang ay dinaluhan ng iba’t- ibang panauhin na kinatwan ng ibang asosasyon na nagmula sa iba’t ibang parte ng bansa, pati na rin ang mga kinatawan ng ibang paksyon ng Guardians. Sila ay itinuturing ng GI na kanilang mga “kapatid sa balikat” dahil nagtataglay ng iisang marka ng guardians sa kanang parte ng balikat, patunay ng pagiging miyembro ng napakalaking pamilya ng Guardians sa buong mundo na may tinatayang bilang ng mga kasapi na umaabot na halos sa 4 na milyon.
Bandang alas 2 ng hapon ng magsimula ang pormal na programa na binigyang hudyat ng pagawit ng pambansang awit ng pilipinas sa pamumuno ni Annabelle “MF Schatz” Torresng GI Montecatini Terme na sinundan ng pambansang awit ng bansang italya.
Bilang ama ng GI sa buong italya, ibinahagi ni Pcgs Nazareth Laridoang kanyang mga karanasan na maaring kapulutan ng aral at ispirasyon ng mga kasapi na napapabilang sa bagong henerasyon. Ayon sa kanya, ang katapatan sa mga alituntunin at respeto sa bawat isa ang mga natatanging elemento na magdadala sa isang grupo patungo sa pagkakaisang minimithi. Ang GI Italy Legion ay isinilang noong taong 2005 ng magbigay ang Central Headquarters sa Manila ng Charter Grantna opisyal na nagpapahintulot kay Nazareth na magtayo ng isang sangay ng Guardians sa Italia noong ika-24 ng buwan ng enero 2005. Sa kasalukuyan ang GI ay may 4 na sangay sa italya: ang GI Vatican City na nagdiwang ng kanilang ika-3 taong anibersaryo, GI Rome City, GI Montecatini terme, at ang GI National Legion na nsa ika-13 taon na at nakabase din sa Roma.
Ginanap din ang “Turnover of Commands” ng GI Vatican City mula sa nagsilbing Presidente sa mga nakaraang taon na si Cristina “Cgs Tina” Echagueat ang bagong halal na presidente na si Rhomie “MF Iboy” Moraleskasama ang hanay ng mga bagong halal ng pamunuan. Malaki ang pasasalamat ng samahan sa dating Pangulo sa kanyang ibinuhos na pagmamahal at dedikasyon. Mula sa National Legion siya ay tumanggap ng “Award of Appreciation” bilang pagkilala sa kanyang mga nagawa sa pagtatapos ng kanyang termino bilang puno ng legion ng vatican.
Samantala, kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng anibersaryo dalawang miyembro naman ng GI Montecatini Terme ang ginawaran ng parangal at napromote ng ranggo matapos na suriin ng pamunuan ng GI ang kanilang mga achievements at pati na rin ang bilang ng taon ng kanilang pagiging miyembro ng samahan. Si Louannie “MF Roann” Pachecoay ginawaran ng parangal matapos niyang maitatag ang isang branch ng GI sa Pasig City sa Manila na tinawag na GI 1st Wing Legion. Si Brian “GMF Eca” Aguilarnaman ay tumanggap ng spot promotionat parangal bilang Presidente ng GI Montecatini at isa sa mga pinakamatagal na sa samahan ng Guardians.
Nakiisa sa nsabing pagdiriwang ang mga malalapit sa puso ng samahan na kinabibilangan ng TBAI na pinamumunuan ni Norie Ignaco, FBAI sa pamumuno ni Randy Fermo, PDGII sa pamumuno ni MF Angela, AS-FIL Roma ni Teddy Perez, GBI-TO sa pamumuno ni Founder Macky Casapao, Guardians Delta Force, CIMG, Guardians Solid Brothers, DGPI Crystal Chapter ng Roma kasama si Pcgs Rose, GSSI na pinamumunuan ni CNF Blu-gyn, RAMGI, FGBII, RBGPII, RAM-IE sa pamumuno ni Rafaelita Figueroa, at ang Kabagis Community ng Roma.
Ang pagdiriwang ay opisyal na nagtapos sa pagkamay at yakap ng kapatiran sa bawat isa ano mang paksyon ang kinabibilangan, sa himig ng “Guardians Song” at paginom ng Guardians’ Wine, simbolo ng kanilang pagkakaisa hanggang sa huling patak ng dugo.
Quintin Kentz Cavite Jr.