in

Ano ang makukuhang tulong ng mga Pilipino na nahawahan ng Covid-19 mula sa OWWA?

ako-ay-pilipino
Ano ang makukuhang tulong ng mga Pilipino na nahawahan ng Covid-19 mula sa OWWA?

Bahagi ng ulat ng Social Action Commission sa naganap na virtual dialogue sa pagitan ng Sentro Pilipino Chaplaincy at ng mga kinatawan ng Embahada ng Pilipinas sa Roma, ang ukol sa mga serbisyo ng OWWA na madalas na katanungan ng komunidad. (Narito ang ukol sa Consular services). 

Narito ang makukuhang tulong ng mga Pilipino na nahawahan ng Covid-19 mula sa OWWA

Aktibo at hindi aktibong miyembro (regardless of status) ay makakatanggap ng “special financial assistance” na nagkakahalaga sa 200 US dolyar (DOLE-OWWA). Kinakailangan lamang isumite ang pasaporto, permesso di soggiorno at medical certificate. 

Basahin ang “Alagang Kabayan Laban sa Covid19”

Tungkol sa moratorium ng membership sa OWWA, nuong taong 2020 ay nagkaroon ng 6-months extension ng membership at mayroon din na 60-days grace period from expiration date. Ang benepisyo ng OWWA ay para lamang sa miyembro nito aktibo man o hindi. 

Libre ang quarantine at accommodation expenses sa mga miyembro ng OWWA na magbabakasyon sa Pilipinas. Ngunit ang swab test ay hindi nila sakop, ito ay napapailalim sa serbisyo ng Philhealth. 

Sa mga estudyante at turista o iba pang kategorya na hindi OFW, may iba’t-ibang ahensya ang nangangasiwa nito sa ilalim ng IATF (Red Cross, DSWD, DFA, Philhealth). 

Sa ngayon ay may mahigit na 200 kababayan natin ang nag-positive sa Covid-19. Ang pondo para sa repatriation ng labi ay manggagaling sa pondo ng Assistance to Nationals (ATN) at kinakailangan itong i-request sa Manila para sa approval. Ang pagbabayad sa repatriation at cremation ay direktang ibinibigay sa funeral parlor o nagbibigay ng serbisyo nito. 

Kaugnay nito ay binanggit din ang serbisyo ng SSS

Tinatanggap ang pagsusumite ng mga benepisyo tulad ng sickness, disability, maternity, retirement at death o funeral benefits. Maaari rin alamin ang kanilang loan statement, verification of contribution.
Wala pang panibagong Advisory kung kailan kinakailangan mag report ang mga pensioner ngunit makakaasa na tuloy-tuloy silang makakatanggap ng buwanang pension

At bilang huling tema ay ang ukol sa Overseas Absentee Voting o OAV  

Paano isinasagawa ang pagpaparehistro sa darating na overseas absentee voting? 

Ang pagpaparehistro ay isinasagawa sa pamamagitan ng Online 

Sa pagtatapos ng dialogue, nagkasundo ang magkabilang panig na gawing regular at tuloy-tuloy ang konsultasyon hindi lamang sa usapin ng renewal ng passport kundi ano man ang mga concerns ng ating mga kababayan na nais ipaabot sa kanilang kaalaman. 

Narito ang kopya ng buong ulat ng Social Action Commission ng SPC.

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kahirapan sa pagkuha sa online appointment, isa sa mga sinagot ng Embahada sa virtual dialogue

Ako ay Pilipino

Italian citizenship by residency, sino at paano mag-aplay sa taong 2021