in

Apat na pinoy pushers, arestado sa Roma at Milan

Pinoy patay matapos mabaril ng pulis sa Milano Ako Ay Pilipino

Patuloy ang ginagawang pagtugis ng mga alagad ng batas sa pagkalat ng ipinagbabawal na gamot, partikular ang shabu. Kasalukuyang mainit ang mga mata ng  kapulisan sa komunidad ng mga pilipino sa malalaking siyudad ng Italya.

Sa dalawang magkahiwalay na pagkakataon ay apat na pinoy pushers ang inaresto sa Roma at Milan. Ang apat ay kinasuhan ng pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. 

Arestado kahapon ang 37 anyos na pinoy, kasama ang isang 32 anyos na pinay sa Roma. 

Ayon sa ulat, natagpuan ang 2.5 gramong shabu sa ginawang kontrol kahapon ng militar sa dalawa sa Piazza dei Cinquecento. Bahagi ng shabu ay natagpuan sa modified lighter ng lalaki. Sa dalawa ay natagpuan din ang €330 cash. 

Hindi nakuntento ang mga alagad ng batas at nagpatuloy ang pagiimbestiga. Kinontrol din ang isang kwarto ng hotel sa zona Esquilino kung saan tumutuloy ang pinoy. Dito ay natagpuan ang mga kagamitan sa pagtitingi ng droga at isang papel kung saan nakalista ang kanyang ‘business’. 

Ang dalawa ay parehong walang trabaho at parehong may police report. 

Samantala, dalawang pinoy din ang inaresto ng mga alagad ng batas sa Milan, sa via Padova. 

Ayon sa Questura di Milano, bandang 23.42 ng gabi kagabi, ng kontrolin ng awtoridad ang 30 at 32 anyos na pinoy sakay ng isang sasakyan. Ito ay dahil oras na ng curfew at dito natuklasan ng awtoridad ang 3.26 gramong shabu at timbangang dala ng dalawa.

Ang 30 anyos ay regular sa dokumento at walang police report. Samantala, ang 32 anyos ay nasa listahan na ng awtoridad. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Labanan ang Stress sa Panahon ng Pandemya Ako Ay Pilipino

Labanan ang Stress sa Panahon ng Pandemya. Narito kung paano.

Bagong DPCM January 16 Ako Ay Pilipino

Bagong DPCM, ipatutupad simula January 16. Narito ang nilalaman