in

“Aral muna, pagkatapos ay pagne-negosyo”

Milan – Isang simple at makaDiyos ang pamilyang kinalakihan ni Christal Meg Manahan. Idolo niya ang kanyang ama kung kaya’t nagsumikap siya para makamit ang mga pangarap. Marami silang magkakapatid at siya lamang ang nakapagtapos ng pag-aaral. Ngunit, ayon sa kwento ni Christal, ipinagmamalaki niya na pinalaki silang magkakapatid sa tamang paraan kung kaya’t hangang-hanga bilang panganay sa kanyang ama.

Nagtapos si Christal ng Computer Programming at Culinary and Marketing course sa CAPAC- Politecnico del Commercio sa Milan. Inisip niyang mabuti kung paano gagamitin ito sa pangkabuhayan kung kaya’t ito ay nagsaliksik sa internet at inalam din ang mga posibilidad kung anong klaseng negosyo ang maaaring itayo na nauugnay sa kanyang kasalukuyang estado sa buhay. Di naglaon ay nagtayo ng isang rolling store. Ito ang simula ng kanyang pagne-negosyo.

Sinikap kumpletuhin mula sa mga gagamitin sa paglalako hanggang sa kanyang sasakyang forgone o tinatawag na van, at si sya rin mismo ang nagmamaneho nito.

Para kay Christal mas maganda ang magkaroon ng ganitong klaseng negosyo kaysa sa isang kainan na nakatalaga lamang sa isang lugar, dahil buwan buwan ay may mga binabayaran, tulad ng upa na napakamahal na hindi kaya ng kanyang pamilya.

Layunin ni Christal ang makatulong sa kapwa, higit sa lahat sa kanyang mga magulang at sa kanyang dalawang nakababatang kapatid, at magamit na rin niya ang kanyang tinapos.

Tulong-tulong ang pamilya sa paghahanda ng mga ibebentang produkto kung kaya’t imposible ng magkaroon pa ng iba pang mga trabaho maging ang kanyang mga magulang ayon pa sa culinarian.

Umaga pa lang ay nagluluto na ang mga ito upang madaling makarating sa lugar ng pagbebentahan ng kanilang tinda, at “kung may oras pang nalalabi –  dagdag niya – ay patuloy pa rin ang paglalako naming sa iba’t ibang lugar dito sa Milano”.

“Umulan , uminit o mag-yelo man, ay patuloy pa rin ang negosyo, at bawal magkasakit, isang araw lang tumigil sa pagbebenta at talung talo kami dahil patuloy ang mga bayarin”.

Mula Lunes hanggang Biyernes ng umaga ay nakapuwesto sila sa harapan ng Konsulado sa Milan. May kasunduan din sila sa isa pang Rolling store na maghahati  sa oras hanggang sa pagsara ng consulate.

Pagdating naman ng hapon ay lilipat sila sa ibang lugar tulad ng mga public parks o lugar kung saan nila puwede pang ibenta ang kanilang produkto.

Hindi madali ang pagkakaroon ng lisensiya o awtorisasyon mula sa Comune upang magkaroon ng negosyo sa lungsod.

Kung kaya’t isang mahalagang mensahe ang ipina-aabot ni Megs, kinakailangang mag-aral muna, ang kasunod nito, ay ang pagbibigay ng certificate ng Comune na nagpapatunay na ang isang indibidwal ay nakapagtapos culinary course upang magamit ito sa anumang negosyo na may kinalaman sa pagkain. Bukod sa pagkakaroon ng sertipiko, ang mga pagkain na ibebenta ay sertipikado rin ng ASL o Azienda Sanitaria Locale sa Milan. Higit sa lahat may listahan buhat sa tanggapan ng Comune ng mga lugar kung saan hindi puwedeng magtinda.

Hindi naging mahirap kay Megs ang makuha ang lahat ng mga dokumentong dahil bihasa ito sa wikang italiano, nakapagtapos ng pag-aaral dito at higit sa lahat ay dito na rin siya ipinanganak.

Sa isang taon na patuloy ang kanilang negosyo at wala pa rin income dahil sa mga buwis na kanilang binabayaran at “hindi biro – aniya –  ang mag negosyo dito sa Italia, mas maganda pa rin ang magtayo ng negosyo sa Pilipinas sa kayang pagtatapos”. (Ulat ni: Chet de Castro Valencia)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Batang Idol 2013 Grand Finals & Benefit Concert

Bal David at Marlou Aquino, naglaro ng basketball sa Roma