in

Araw ng Kalayaan 2019, masayang idinaos sa Milan

Bagaman nakalipas na ang paggunita ng Araw ng Kasarinlan sa ating inang bayan Pilipinas ay idinaos pa rin ang mahalagang araw na ito ng Filipino community sa Milan.

Ang tema, “Tapang ng Bayan, Malasakit sa Mamamayan” para sa Araw ng Kalayaan ng Pilipinas 2019 at ito ay muling ginanap sa Idroscalo Milan, makalipas ng ilang taon.

Ang pagdiriwang  ay itinaon ng mga organizers kung kalian halos lahat ay walang trabaho at kung mayroon man ay pilit pa ring humabol ang ating mga kababayan kahit sa mga huling bahagi ng programa na ipinagkaloob ng mga iba’t ibang grupo.

Mga filipiñana costumes at mga uniporme na nagrarapresinta ng kani-kanilang grupo ang suot ng mga Pilipino pati na rin ang mga itinayong mga booths na mayroonh higit sa 50.

Bago itinaas ang watawat ng Pilipinas ay nagkaroon muna ng parada at nanguna dito ay ang sangay ng Philippine Consulate General in Milan sa pamumuno ni Consul General Irene Susan Natividad at sinundan ito ng mga iba’t ibang grupo ng filipino community mula Milan, Bologna, Varese, Como at iba pang bahagi ng hilagang Italia.

Tampok sa parada ang iba’t ibang grupo ng mga religious sector, mga grupo na itinatag ng mga retired at aktibong mga miyembro ng Pambansang Kapulisan sa Pilipinas, mga zumba groups, mga grupo sa larangan ng pampalakasan, samahan ng mga magkababayan sa Pilipinas na ngayon ay nasa Italia, mga NGO’s na tumutulong sa mga nangangailangan nating mga kababayan sa Pilipinas, at iba pa.

Natutuwa po ako sa lahat ng mga kababayan natin na nagpakita ng malasakit sa araw na ito, sa paggunita natin ng 121 taon anibersaryo ng araw ng atin kasarinlan”, masayang tugon ni PCG MIlan Consul General Irene Susan Natividad.

Gusto ko po kayong batiin, taus pusong pagbati ng isang maligayang ika-121 kaarawan ng Pilipinas. Mabuhay tayong lahat”, kasunod na pagbati ni PCGMilan Consul Manuel Mersole Mellejor sa mga kababayan natin.

Kung piyesta ng mga Pilipino ang pag-uusapan ay hindi mawawala ang mga pagkaing pinoy, tulad ng lechon na handa ni  Nilda dela Cruz na dinumog ng mga kababayan natin.

Mayroon ding hinandang pagkain ang isang grupo na nag-iimbita sa mga napapadaan sa kanilang booth upang sumama sa isang boodle fight.

Animoy naiibsan ang “homesick” ng marami kapag natitikman ang mga pagkain pinoy.

Samantala, sa booth naman ng mga taga-Cordillera ay may mga display na mga handmade crafts na ginawa ng atin mga kababayan mula sa Mountain Province.

Bukod dito, isa sa daan-daang grupo sa Italia ay ang “Good Samaritan” at ayon sa tema ng Kalayaan 2019 ay kanilang nabahagi ang kanilang aktibidades. Ayon kay Eduardo Abrasaldo, ang presidente ng grupo, mahigit anim na taon na mula ng naitatag ang kanilang grupo at marami na silang napaaral at napatapos na mga kababayan natin sa Pilipinas at maliban dito ay nakapag pamahagi sila ng mga relief goods, mga gamit ng pang eskuwela para sa mga bata, na sa pagsuporta ng mga kababayan natin dito sa Italia sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga damit  at iba pang mga bagay ng maari pang mapapakinabangan para sa mga nangangailan natin mga kababayan natin sa Pilipinas.

Kanya-kanyang presentasyon naman ang inihanda ng bawat grupo mula sa mga tiga Luzon, Visayas at Mindanao para sa mga manonood. Nagtagal ang programa ng maghapon kung saan hindi ininda ang init ng panahon.

Nakaantabay naman ang isang ambulansiya sakaling dumating ang oras ng emerhensya ng grupo sa pamamagitan ng ‘The Philippine Nurses Association of Milan’ sa pamumuno ni Angie Bernal.

Sa kabuuan, ang “Kalayaan 2019” ay masaya at marangyang idinaos ng filipino community sa Milan.

Mabuhay ang Pilipinas!

 

Chet de Castro Valencia

larawan ni Jesica Bautista

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Katapatan ng mga Pilipino, ating ipagmalaki!

Heat Wave, itatala ngayong linggo sa Italya