in

Araw ng Kalayaan, ipinagdiwang sa Reggio Calabria

Ipinagdiwang din ang 121th taong Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Reggio Calabria.  

Sa pakikiisa at pakikipagtulungan ng ibat-ibang asosasyon tulad ng FASSCASI sa pamumuno ni Carmen Perez, AFW ni Mark Francis Magtubay, Mindoro Tamaraw ni Gregorio Abarintos at waldo Macaluntal, Basterebbe poco per un sorriso ni Jerry Almoite, Pederasyon ng FASCURAI ITALIA ni Romy Lafuente, samahan ng mga kapatirang TAU GAMA ni GT Virgilio Laoyola, Gempa Angels ni Lucila Sorza at Guardians ni Monte Villanueva.

May mga naghandog ng sayaw at awitin na pawang kulturang Pilipino lamang para maipakita ang tunay na diwa ng “Araw ng Kalayaan” ng Pilipinas. Nagbigay din ng maiksing mensahe ang bawat namumuno ng mga asosasyon at kapatiran.

Kasabay nito ay idinaos din ang ika 3 taong anibersaryo ng Samahang Ilokano ng Reggio Calabria sa pangunguna ng Founder-Adviser Rey Rebudal at Presidente Jeffrey Peralta.

 

Carmen Perez

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Parangal para sa mga Natatanging Kabataang Pilipino 2019

Katapatan ng mga Pilipino, ating ipagmalaki!