in

Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ginunita sa Milan

Simple subalit makasaysayang ginunita ng Filipino community sa Milan ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa temang “Pagbabagong Ipinaglaban, Alay sa Masaganang Kinabukasan”.

Makasaysayan para sa mga kababayan sa Milan at North of Italy dahil ginanap ito sa bakuran ng bagong tanggapan ng Philippine Consulate General in Milan sa pamumuno ni Consulate General Irene Susan Natividad.

Alas 8:30 itinaas ang bandila ng Pilipinas sa pangunguna ni CongGen Irene Susan sampu ng kanyang kawani ng Konsulado habang inaawit ng sambayanang pilipino ang pambansang awit ng Pilipinas na pinapanood naman ng mga ibang lahi na napapadaan sa pangunahing kalsada sa Via Stelvio sa Milan.

“Minarapat po nating magdiwang sa bagong konsulato, bago po ang inyong konsulato, bago po ang inyong ConGen, kaya bago po ang simula para sa atin lahat.” Masayang tugon ni ConGen Natividad sa kanyang bahaging talumpati ng ikinatuwa din ng mga OFW’s na dumalo sa nasabing okasyon.

Dagdag pa niya ay magkakaroon ng mga pagbabago sa mga araw ng serbisyo para sa mga OFW’s sa North of Italy.

Ang kanilang tanggapan ay magbubukas ng 8:30 ng umaga sa halip na 9:00am sa kadahilanan ay 8:20am pa lang ay marami ng tao,  ani Natividad at ito ay magsisimula sa July 1 ng taong kasalukuyan.

At sa kahilingan ng mga kababayan natin, ay magbubukas sila ng Linggo simula July 15, at gagawin muna ito isang beses sa isang buwan. Lubos na ikinatuwa ng lahat, lalo na ang pagsusuring gagawin ng kunsulado ukol sa pagbubukas nito dalawang beses kada buwan.

Ang panghuli niyang ibinalita ay ang pagbubukas ng bagong website ng Philippine General Consulate sa katapusan nitong Hunyo ng taong kasalukuyan.

Samantala, isang mensahe din ang ipinarating ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III sa ating mga kababayan sa Italy at sa bahagi ng kanyang mensahe ay ang pagiging modern day heroes ng mga OFW sa ibayong dagat na binasa ni Labor Attaché Atty Maria Corina Buñag

Sa mensahe ni Department of Foreign Affairs Secretary alan Peter Cayetano, na binasa ni ConGen Natividad sinabi niya ang importansiya ng isang pagiging malayang Pilipino hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Nagkaroon din ng konting salu-salu para sa lahat, at ilan din sa mga kababayan natin ay naghandog ng mga awitin at sumayaw ng mga Philippine Folklore dances.

Bago pa man natapos ang pagdiriwang ng nasabing espesyal na okasyon ay nagkaroon ng isang group shot para sa kanilang souvenir na kung saan unang ginanap ang Araw ng Pagkakasarinlan ng Pilipinas sa bagong tanggapan ng Philippine Consulate General in Milan.

 

Chet de Castro Valencia

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

KALAYAAN 2018, unang pang-rehiyong pagdiriwang sa Emilia Romagna

Mga Kabataan, binigyang parangal sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Roma