in

Araw ng Kalayaan sa Roma, dinaluhan ng higit sa 6,000 katao

Dinaluhan ng higit anim na libo katao buhat sa 200 grupo o asosasyon mula sa iba’t ibang bahagi ng Italya ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Roma. 

 

 

Roma, Hunyo 17, 2016 – Sa pangunguna ng PIDA o Philippine Independence Day Association ay ginunita ng mga Pilipino sa Roma ang Araw ng Kalayaan noong June 12 sa Roma. 

Tulad sa nakaraan, sinimulan ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa pagbibigay pugay sa ating pambansang bayani Dr Jose Rizal sa Piazza Manila. 

Kapansin-pansin ngayong taon ang partesipasyon ng maraming grupo. Dinaluhan ito nina H.E. Ambassador Domingo Nolasco ng Philippine Embassy to Quirinale, H.E. Ambassador Mercedes Tuazon ng Philippine Embassy to Holy See, mga kinatawan ng Knights of Rizal buhat sa Roma, Florence, Naples, Calabria, Modena, Frosinone at ang Int’l Order of Demolay, Filipino American Association ng Napli, FilCom at mga indibidwal.

Bumati at nagbigay ng mensahe sina Carlo Simbillo, KOR Area Commander for Italy; Aris Edig, VP Dimolay Club Roma; Emerson Malapitan, KOR Modena Chapter Commander; Dennis Arcilla, KOR Firenze Chapter Commander; Olivari dela Moneda, KOR Frosinone; Jerry Adarlo, KOR Chapter Commander Modena; Dennis Fernandz, KOR Reggio Calabria; Sam Santos, President Filipino American Association of Naples; Butch Ensenado, Past Master Jacobo Zobel 202, Harry S. Truman Lodge 649 representing Grannd Lodge of the Philippines at si Benny Dela Rosa Worshipful Master Harry Truman Lodge 649, US Naval Base Napoli; Romulo Salvador KOR Former Area Commander at Auggie Cruz, KOR Rome Chapter Commander at PIDA president.  

Matapos ang wreath laying ay ipinagpatuloy ang pagdiriwang na ginanap sa unang pagkakataon sa Parco delle Valli Conca d’Oro. Dinaluhan ng higit sa anim na libo katao buhat sa 200 grupo o asosasyon na nagbuhat hindi lamang sa Roma at karatig lugar nito bagkus pati sa Cisterna, Florence, Modena, Napoli, Ascoli, Latina, Salerno, Reggio Calabria, Palermo, Milano at marami pang iba.

Ito ay itinuturing na pinakamalaking pagdiriwang ng mga Pilipino sa Italya at isa sa panakamalaking pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Europa.

Pambansang Awit, Evolution of flag, pagpapalipad ng mga lobo na kulay ng ating bandila, ribbon cutting kasabay ng masayang tugtog ng moseko ang naging opisyal na simula ng selebrasyon.  

Pinamunuan ng 7th Day Adventist, Iglesia ni Cristo, Assemblea di Dio, Banal na Pag-aaral at Roman Catholic Church ang ecumenical prayers.

Ang unang bahagi, sa institustional part ay nagbigay mensahe sina Ambassador Domingo Nolasco mula sa Philippine Embassy to Quirinale; Dott.ssa Gianna Le Donne, ang Bise Presidente ng Municipio XII kung saan ginanap ang pagdiriwang; Nicola Corona buhat sa Legambiente Onlus at Matty Lauro, isang documentary film director ng Rai. 

Tampok ang tradisyunal na parada at ang mahabang cultural presentation kung saan higit sa 50 grupo at indibidwal ang nagpalabas sa entablado. 

 

Nangibabaw ang talento ng Ikalawang Henerasyon o ng mga kabataang ipinanganak o lumaki sa Roma sa ginanap na cultural presentation: Filipiniana music medley, traditional at folk dances tulad ng Maria Clara, Igorot dances, Singkil, Ragragsagan. Kahit pa modern dance o hiphop ay mahusay talaga ang mga kabataang Pinoy. At hindi rin mawawala ang mga bumirit na mahuhusay na singers! Hindi nagpahuli ang Pinoy Martial arts at Karate na nagpakitang gilas rin! 

Hindi naman nagpaiwan at humabol ang mga ‘Beterano’ na sa Roma at nagpakitang gilas sa Zumba, kantahan at modern at folk dances rin! 

Sa kabila ng walang artista buhat sa Pilipinas ay inulan ng palakpak at hiyawan ang mga local artists na sina Armand Curameng, ang Pilipinong nakapasok sa The Voice of Italy at si Nizzi Jimenez, ang Pilipinang inaasahang makakapasok sa susunod na The Voice of Italy. 

Naging bahagi rin ng selebrasyon sa ikalawang pagkakataon si Andrea Bosca, isang tanyag na aktor na makabagbag damdaming binasa ang L’ultimo addio ni Dr. Jose Rizal. 

Samantala, 13 round trip tickets Rome Manila Rome (excluded tax) at 3 Europe tours ang ipina-raffle ngayong taon, salamat sa walang sawang tulong at suporta ng mga travel agencies at Airline companies at lahat ng mga sponsors. 

Matagumpay muling naisakatuparan ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Roma, salamat sa sipag at tiyaga ng lahat ng bumubo ng PIDA o Philippine Independence Day Association. Gayun din sa tiwala, pakikisa , kolaborasyon at pagmmahal ng bawat Pilipino sa ating Inang Bayan at sa ating Kalayaan!

Mabuhay ang Sambayanang Pilipino! 

 

PGA

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Pinoy sa Piemente, ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan

Ngayong wala na ang buwis, magkano ang halaga ng renewal ng mga permit to stay?