in

Armand Curameng, sa The Voice of Italy 2016

“Right now, I am enjoying what my music will bring me and I will continue to entertain and inspire other people through my performances and my story” – Armand Curameng. 

 

Ang pagpasok ni Armand Curameng sa The Voice of Italy ay isang hindi inaasahang pangyayari. Bukod pa sa alam nating lahat na mahirap makapasok sa ganitong uri ng patimpalak. Narito ang exclusive interview ng Ako ay Pilipino sa tinaguriang “The Filipino Concert King of Italy”. 

Hindi na ako umaasa pa na makakapasok sa TVOF. I had auditions in some tv programs here pero di ako nakakapasok until dumating itong The Voice. Sa tulong na rin ng mga kamag-anak na nag-inspire sa akin, mga Italian friends, ilang kaibigan lalo na si Ms. Amielee Ferrer Rebong mula sa Roma at ang aking bagong manager na si Giuseppe Messina na nagpalakas sa aking loob para magpadala ng aking mga videos sa The Voice of Italy. Dito po nagsimula ang lahat”

1) Ano ang pakiramdam ng nasa blind audition knowing na you represent not only yourself but also your country? 

 I had mixed emotions… Pero nangingibabaw ang aking kasiyahan at pasasalamat sa Panginoon dahil ibinigay niya ang pambihirang pagkakataon na ito at ako ay proud na proud rin dahil ako ay isang Filipino at for the first time ay mayroon na ring Filipino na naka-akyat sa stage ng The Voice of Italy.

2) How did you prepare? 

When they called me for my possible participation ay puspusan ang aking paghahanap ng iba’t ibang piyesa para kantahin, pero ang redazione ng the Voice ang nag-advice sa akin kung anong piyesa ang maganda na nagmula sa mga videos na aking ipinadala. Nagpadala ako ng mga ballad na English at Italian and even original Filipino music pero pinili nila ang Crazy little thing called love na original ni Freddie Mercury. 

3) Ano ang pakiramdam mo now na nakapasok ka sa blind edition?

I am so happy and proud that finally a Filipino conquered the Voice of Italy. Just having given a chance to participate in the program is already a victory for me. Imagine, from thousands of singers they auditioned they selected me as a one of the 44 singers to be included in the four teams. It is really an honor.

4) Bakit si Raffaella Carra ang pinili mong coach? Sya ba talaga ang gusto mo?

At first, I was thinking if ever the four coaches, (Emis Killa, Dolce Nera, Max Pezzali and Raffaella Carra) would turn their chairs for me, I will choose Dolce Nera – dahil idol ko siya, pero dahil kumpleto na ang kanyang team kasama si Max Pezzali kaya sina Emis Killa at Raffaella Carra na lang ang pagpipilian. 

Napakahirap nga yong parte ko e dahil dalawa na lang ang di pa nakaka-kumpleto na coaches at marami pa kaming contestants kaya para sa akin it was a pressure dahil kakaunti na lang ang chances para makapasok. Pero I was really fortunate enough that the two turned chairs for me.

Pinili ko si Carra dahil I thought magkaiba kami ni Emi Skilla ng genre and I thought that I can work better with Carra kasi we have the same genre and besides, talaga naming she was one of the first Italian artists I always used to watch when I first arrived in Italy and she really inspired me kaya siya ang pinili ko. 

5) Any expectations?

Katulad ng sabi ko na sa pagkapili pa lang na isa sa mga contestants ng The Voice ay isa nang malaking tagumpay para sa akin. Tulad ng mga nakita natin sa mga nakaraang mga blind auditions, marami rin ang mga magagaling na di man lang sila umikot. Alam ko na mahirap ang magpatuloy hanggang sa dulo dahil ngayong taon ay maraming mga magagaling na kasali ngunit I still have to do my best at kung saan man ako makakarating ay isa nang malaking karangalan para sa akin at umaaasa ako na ang pagpasok kung ito will open doors to other Filipinos in Italy na may mga talent sa pagkanta. Sana isang malaking inspirasyon para sa ating mga kababayan dito sa Italya para sumali din sila at malaki ding inspirasyon sa mga may edad nang mga singers na tulad ko na kahit medyo may edad na tayo e hindi pa rin huli ang lahat para makaranas din tayo ng mga ganitong klaseng magandang experience sa ating buhay.

6) May particular experience ka  ba sa audition, back stage or with staff ng The Voice?

Napakasarap ang maging isang contestant ng The Voice. It’s all new experience for me. I gained more friends and I guess ang The Voice ang may pinakamagandang pagtrato sa kanilang mga contestants… Libreng biyahe from your point of origin to Milan, libreng board and lodging plus ang dalawa mong relatives to assist in the day of the audition. The people behind are so friendly, magagalang and very helpful na kahit sa pinaka maliit mong pangangailangan ay kanilang intindihin. Tipong contestant ka pa lang e tratong artista ka na sa kanila…

7) Tell us about yourself…. Singing career: when & how ka nag start; community/social commitment: your role in filcom

My singing career started in Sarrat, Ilocos Norte when I was nine years old, nagpa-participate ako sa mga singing contests. Isang biyaya ng ating Panginoon ang aking boses dahil ito ang puhunan ko para maitaguyod ang aking buhay. Kadalasang mga papremyo sa Pinas ay pera at ang mga napapanalunan ko noon ay malaking tulong sa aking pamumuhay lalo na sa aking pag-aaral.

From contests nagtrabaho na ako bilang singer sa mga restaurants hanggang na-discover ako to record Ilocano songs..I did several album from several recording companies in the Philippines. I am so proud that I was the first Ilocano to win AWIT AWARDS – the Oscars for Filipino Music as Best Interpreter, Best Composer and Best Producer for Best Regional Song in the year 1988.

Nagpatuloy akong kumanta sa Manila in Hotels and Music Lounges and I also did concerts with popular artists in the Philippines.

In 1998, I migrated to join my family here in Palermo, Italy. For the first two years, I worked as a domestic helper then I joined karaoke contests and the famous Sicilian song festival CANTAMARE. Dito na ako nadiskubre ng aking unang producer na si Pippo Esposito. Nabigyan ako ng pagkakataon magtrabaho sa mga hotels and restaurants at nag-record ng isang CD entitled FLY. Nakilala ako sa Sicilia.  Hindi ko noon akalain na mangyari sa akin ang ganito sa Italya. I had concerts in many town plazas and theaters in Sicily tulad ng Teatro Politeama, Teatro Al Massimo just to name a few.  

Unti-unti din akong nakilala ng Filipino community not only in the whole Italy kundi sa ilang bansa sa Europe. I always travel to do shows in different cities in Italy and in countries like Norway, France, Germany, Switzerland at Luxembourg.

Aside of being busy with my singing career, hindi ko rin nakakalimutan tumulong sa aking mga kapwa Filipino. I served as the president of the Philippine Don Bosco Association – a large Filipino community in Palermo for 6 years from 2005 to 2011 and last 2015 I was elected again. I also founded the Filipino Association of Talents in Europe which aims to help develop the Filipinos with their talents.

Right now, I am enjoying what my music will bring me and I will continue to entertain and inspire other people through my performances and my story.

 

ni: PGA

photo credits: TVOI 2016 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

IPSOS naghahanap ng interviewers “Makakatulong na makilala ang mga dayuhan sa Italya”

Idoneità alloggiativa sa Rome balik sa pila, wala muna ang certificate online