in

Art Aquarium exhibit ginanap sa Milan, Italy

Isang artist na nagmula pa sa Japan ang ipinamalas ang kanyang kaiibang creation sa pamamagitan ng paggamit ng mga ornamental fish tulad ng mga goldfish o kung tawagin sa Japan “Kingyo”.

 

Milan, Agosto 31, 2015 – Si Hidetomo Kimura, 32 anyos tubong Tokyo Japan, sa kanyang kauna-unang pagkakataon ay nagsagawa ng isang art aquarium exhibit sa Milan, Italy partikular sa Circolo Filologico Milanese.

Ang Art Aquarium ayon sa Japanese artist ay ginamitan ng iba’t ibang disenyong aquarium na may kumbinasyon ng mga lighting effects at animation sa pamamagitan ng mga projectors. Maging ang mga sound effects mismo ay sarili niyang kumposisyon.

Mahigit 50 aquariums at 2000 mga isda at iba’t ibang props ang dala mula pa sa Japan. “We had to transport them by sea passing to HongKong since it will carrying a heavy load….. it is expensive for us to have it transported by plane”, wika ni Kimura.

 

 

At sa kasalukuyan ay lumikha pa siya ng iba’t ibang disenyo ng mga aquarium, “for a real Japan”, gamit ang mga makabagong teknolohiya.

Maliban sa mga nakadisplay sa malawak na espasyo, ay mayroong mga kuwarto kung saan makikita ang iba’t ibang klaseng aquarium na may hugis kimono, mala accordion na aquarium at may mga sariling sound, lighting at animation effects.

Pitong taon niyang pinag-aralan sa pamamagitan ng masusing pananaliksik at nagbunga ito ng isang makabagong likha sa kasaysayan ng art gamit ang iba’t ibang mga tropical fishes.

Taon 2007 ang kanyang unang exhibition sa Roppongi, Tokyo, Japan, ay tinawag itong “Sky Aquarium”. At ang kanyang kuna-unahang art exhibit sa labas ng bansang Japan ay sa Europa, sa Milan, Italy. “Italy came into my mind first because it is the fashion country of the world”, ayon kay Kimura.

Ayon pa sa Japanese artist, ay nagkaroon umano sila ng negosyo ng mga ornamental fishes sa Pilipinas sa Manila noong decada 90. “It is not only a question of art but it is a matter of what you are doing with fishes”, dagdag pa ni Kimura.

Bukod dito, ay pinag-aralan din niya ang eco-system ng mga “kingyo” na magpapadali sa paga-adjust ng mga ito hindi lamang sa lugar kundi pati sa klima.

Ang exhibit sa Milan ay tumagal hanggang buwan ng Agosto at nais niyang ipagpatuloy sa mga bansang Estados Unidos, Paris at London.

 

ni Chet de Castro Valencia

larawan ni Mark Omana

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ano ang Balikbayan Box?

Globay Day of Prayer sa Roma, kasabay ng paglulunsad ng bagong proyekto ng BWPS