in

ARTISAN COURSE TRAINING, hatid ng POLO at ASLI

Rome, Enero 28, 2013 – Ang POLO (Philippine Overseas Labor Office) sa pakikipagtulungan ng ASLI (Associazione Stranieri Lavoratori in Italia) ay naglunsad ng Artisan Course Training noong nakaraang January 20 sa Missionari Scalabriniani, Via Della Lungaretta Roma, Italya.

Layunin ng isang araw na kurso ang makilala at matutunan ang sining o ang artisano.

Labintatlo ang dumalo sa nasabing kurso, mula sa 25 ofws na nagpatala.

Inilahad ni Ms. Flora Ventura – Caputol, ang resourced speaker, at ng kanyang assistant, ang mga materyales na mahalaga sa kurso, gayun din ang mga lugar kung saan matatagpuan ang mga ito.

Sa pagtatapos ng kurso ay natutunan ng mga dumalo ang paggawa ng rosaryo, hikaw, kwintas at bracelet.

Samantala, ganap namang ikinatuwa ng mga dumalo ang natutunan, bukod sa paggawa ng mga nabanggit ay maaaring maging simula ng isang maliit na negosyo at ang maging entrepreneur; maaari ring makatulong ito upang maging trainor sa hinaharap; magandang promotion ito ng mga materyales buhat sa Pilipinas at ang nasabing kurso ay naging patunay ng equal business opportunity dito sa Italya.

Matapos ang tagumpay ng kurso ay inaasahan ng mga dumalo ang isang advanced course sa lalong madaling panahon.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

FILIPINOS CELEBRATE SINULOG IN MILAN

“Bossi-Fini, kailangang baguhin” – Riccardi