in

AS Fil-Roma dumayo sa Bologna

Bologna, Mayo 31, 2013 – Kasunod ng tagumpay ng Hari ng 9-Balls noong Pebrero sa Roma ay dinala ng AS Fil-Roma sa Bologna ang All-Filipino 9-Balls Open noong nakaraang buwan. Dinayo ng mga Pilipinong manlalaro mula Roma, Milan, Firenze, Bologna at Vicenza ang nasabing torneo.

Hinati sa limang grupo ang tatlumpung manlalaro kung saan walo ay pawang mga manlalaro mula sa Roma. Sila ay sina: Aldrien Salazar, Jigs de la Pena, Jericho Camposo, Catalino de Manuel, Jamier Manza, Eduardo Contreras, Ruel Bacerdo at Edwin Mangalino. Matapos ang elimination para sa Top 16 ay naglaban sila sa isang knock-out game kung saan ang walong players ang pumasok para sa quarter finals.

Tinanghal na kampeon ng torneo si Julius Tuya ng Milan, samantalang 2nd runner up naman si mark San Juan ng Vicenza, 3rd runner-up si Efren Quiling ng Bologna at Randy Bosque ng Firenze.

Patunay na kayang kayang makipagsabayan sa mga kampeon sa buong Italy ang mga players kaya naman ang AS Fil-Roma ay lubos ang pasasalamat sa lahat gaya ng Touch Private Tours na siyang naghatid sa Bologna ng mga manlalarong taga-Roma at sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanila.

Antabayan rin ng mga Pilipinong mahilig sa bilyar ang Hari ng 9-Balls sa Italia na inaasahang dadayuhin ng kababayan nating Pilipino mula sa iba’t ibang panig ng Italya.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Isang buntis ng anim na buwan inaresto sa pagbebenta ng shabu

Batang Idol 2013 Grand Finals & Benefit Concert