“We, in AS FIL-ROMA believe that Filipinos are world class athletes that we can be proud of" – Luis Salle
Roma, Abril 2, 2014 – Masayang ipinagdiwang ng AS FIL- ROMA ang kanilang unang anibersaryo noong ika-16 ng Marso sa The Piper Club. Dinaluhan ng iba't ibang grupo ng mga manlalaro mula sa bowling, bike, dart, billiards at iba pang grupo.
Ang AS FIL-ROMA o Associazione Sportiva dei Filippini a Roma ay may layuning bigyang buhay ang interes ng ating mga kababayan sa larangan ng sports.
Misyon ng AS FIL-ROMA ang ituro ang kahalagahan ng sportsmanship na daan upang mas lalong magpapalakas sa pagbubuklod ng samahan ng mga migrante sa Italya.
Nabuo ang grupo noong 2013 sa pangunguna nila Luis Salle at Teddy Perez nang sila ay magkitang muli. Dahil sa pawang puro basketball at volleyball ang mga sikat na tournament sa Roma, nagdesisyon ang dalawa na mag-organisa ng iba pang sports gaya ng bowling, dart, billiards at bike race.
Hindi lang sa sports ang isinasagawang mga ebento ng AS FIL-ROMA, matatandaan ang kanilang suporta sa mga concerts, fund-raising, services at iba pang pakikipagtulungan sa iba pang grupo ng migranteng Pilipino.
Bukod kay Luis Salle at Teddy Perez, nakipagtulungan at sumuporta sina Tem Ramos, Bong Gonzales, Tri Zed Lozano, Emihil Tiberio, Aldrex Asilo, Ronie Panganiban,Christian Rivera, Concon Puruganan at iba pa nilang mga kaibigan sa pagpapatatag ng sports dito sa Roma, tulad nina Wendel Manrique, Jimmy Ninofranco at Efren Tila.
Kabilang ang mga grupong mababanggit na nakiisa sa layon ng AS FIL-ROMA: Filipino Bowlers in Italy, Knights Bowlers, GPII-ILC Bowlers, Catanduanes Bowlers, Catangcas, Pinoy Darters in Rome, Pinoy Billiard Club in Rome, at Hagibis Bikers.
List of events of AS FIL-ROMA
Nov 4, 2012- Battle with the Champions Bowling
Dec 30, 2012 – Pinoy Bowlers 1 day Tournament
Jan 6, 2013 – Asintado King Dart
Feb 24, 2013 – Hari ng 9Balls Billiard
Mar 10, 2013 – Hagibis MTBike Race
Apr 14, 2013 – Migrante (Collaboration)
Apr 25, 2013 – Strike for a cause Ms Dulay Bowling (Fund Raising)
Apr 28, 2013 – Byaheng Bologna 9Balls Billiard
Jun 9, 2013 – Kalayaan
Jun 13, 2013 – Strike for a cause Ms Lachica Bowling (Fund Raising)
Jun 16, 2013 – Enkwentro sa Porta Pia Billiard
Jul 21, 2013 – Gapasan sa Monasteryo (Service)
Aug 4, 2013 – FBI 1 day Bowling (Collaboration)
Nov 10, 2013 – Tumbukan sa Cathedral Billiard (Fund raising)
Nov 17, 2013 – Pedalan para sa Tacloban / Hagibis (Fund Raising)
Nov 24, 2013 – Turnover of relief sa Monasteryo (Service)
Jan 5 – HARI ng 9 Balls sa ITALIA
Jan 6 – Ed Frisnedi's Cup: ASINTADO KING 2014 (Fund raising)
Feb 2 – FARMACIA di TERLIZZI'S CUP (BOWLERS UNITES FOR A CAUSE- Fund raising)
Mar 9 – Back2Back "TAKO KING" & "Hari ng 501" (Fund raising)
At ang suporta sa GPII-ILRC (Guardians) sa kanilang Balik Eskwela/Feeding program sa Jaro, Leyte.
Isa ang AS FIL-ROMA sa mga aktibong grupo rito sa Roma. Nagpapasalamat ang mga founder dahil bukod sa nakapagbuo ng mga panibagong grupo ng sports ay nabibigyan rin nila ang kanilang kababayan ng mapaglilibangan kahit sila sa malayo sa kanilang bayan. (Jacke de Vega)
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]