in

Asia-Italia Scenari Migratori, inilunsad

Asia-Italia Scenari Migratori, ang huling yugto ng masusing pananaliksik sa mga migration patterns ng mga imigranteng naninirahan sa Italya. Ang research ay ginanap sa Pilipinas noong Enero ng taong kasalukuyan.

Roma – Hulyo 12, 2012 – Inilunsad noong Hulyo 4, 2012 ng hapon sa conference Hall ng Banca Monte Dei Paschi di Siena, Via Minghetti 30-A ang librong ASIA-ITALIA, Scenari  Migratori.  Ito ay ika apat at huling yugto ng masusing pananaliksik sa mga Migration Patterns ng mga dayuhang naninirahan sa Italya na hinati naman batay sa apat na kontinenteng pinagmulan ng mga dayuhan, Europa , Africa, Latin America at Asia.

Ang mga nasabing research books ay naisakatuparan sa pamamagitan ng “Dossier Statistico Immigrazione” Caritas/Migrantes sa pakikipagtulungan din ng Unione Europea (FEI) at Ministero dell’Interno. Bukod sa mga datas na mababasa ay kalakip din sa libro ang opisyal na report ng isang linggong pag aaral na ginawa ng Caritas research group ng nagtungo sa Pilipinas noong Enero  15-20 ngayong taon.

Ang okasyon ng paglulunsad ng nasabing libro ay pinamahalaan ni Dr. Franco Pittau kung saan bilang panauhing pandangal ay nagbigay ng maikling pananalita sina Prefetto Angelo Malandrino ng Min. dell’ Interno, H.E. Virgilio Reyes Jr, Ambassador ng Pilipinas sa Italiya at si Mons. Enrico Feroci ng Caritas Italya, ang namuno sa delegasyong nagtungo sa Maynila, na naglathala ng nasabing biyahe kasama ang pag aaral at pagdalaw sa tanggapan ng POEA at sa bayan ng Lemery, Batangas.

Sa pananalita ni Amb. Reyes Jr. ay inihalintulad nito ang libro ng research document sa travel memories ni Antonio Pigafetta, ang Italian navigator, geographer at writer na nag-iwan ng detalyadong impormasyon ukol sa paglalakbay sa buong mundo ni Ferdinand Magellan at sa pagkakatuklas sa Pilipinas (1519-1522).

Hiniling din ng Ambassador na sana’y mabigyang pansin ang potensyalidad  ng mga migrante sa paglutas ng kasalukuyang krisis sa ekonomiya ng Italya at maging nang mga bansang pinagmulan ng bawat imigrante.

Ang buod ng libro ay inilahad naman ni Maria Paola Nanni, pangunahing researcher ng “Dossier Statistico Immigrazione”. Inimbitahan din na magbigay ng opinyon si Fr. Giulio Albanese, Director ng news magazine Popoli e Missione.  Pitong leaders at pangunahing mga migranteng buhat sa Asia ang tinawag upang magsalita at magpatotoo sa kanilang mga buhay migrante sa Italya na sina Romulo Salvador- Pilipinas, Ejaz Ahmad-Pakistan, Shirina Akter-Bangladesh, Mary Pan-China, Ai Nagasawa-Japan,  Gervasis Mulakara-India at Indra Perera-Sri Lanka.

Ang nasabing libro ay binubuo ng 50 chapters, na nagtataglay ng isang malalim na pagsaliksik sa migrasyon ng mga Pilipino (partikular ang mga naninirahan sa Milan) at ng ilang malalaking komunidad tulad ng Chinese, Pakistans, Bangladeshis, Srilakans. Pinag-aralan ang kasalukyang sitwasyon at maging ang hinaharap na kinabukasan. Kabilang ang mga pangunahing katangian tulad ng ekonomiya, ang role ng mga Asian sa politika ng Italya sa ibang bansa, ang emigrasyon ng bagong henerasyon ng mga Italyano sa mga bansa sa Asya, ang relihiyon at ang ugnayan nito sa mga naunang mga misyunaryo mula XV century, at ang kasalukyang pakikipag-ugnayan ng mga bansang katoliko sa mga bansang Muslim, partikular sa Middle East.

Bilang pagtatapos ay nagsalita sina Mons. Giancarlo Perego ng Fondazione Migrantes at si Mons. Francesco Soddu ng Caritas Italiana. (ni: Tomasino de Roma)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paalam, Comedy King

Mga Pilipino, pinakamalaking komunidad sa Milan