in

Away dahil sa grade ng anak, nauwi sa pananakit sa asawa!

Grade ng anak ang naging dahilan ng away ng mag-asawang pinoy na nauwi sa pananakit.

Grade ng anak ang naging dahilan ng away ng mag-asawang Pinoy na nauwi sa pananakit.

Minsan sa sobrang pagmamahal sa asawa o sa pag-iwas sa kahihiyan ay mas pinipili pa ng ibang mga kababaihan ang manahimik na lang kaysa magsumbong at magsampa ng kaso. 

Ito marahil ang nangyari sa isang pinay sa zona ng Pigneto sa Roma. Kasama niya  ang asawang 43-anyos sa bahay at ang kanilang anak. Ang pinagmulan ng lahat? Ang marka o grado umano ng kanilang anak. Ang pag-uusap ng mag-asawa ay nauwi sa mainit na diskusyon. Sa una ay puros sigawan lamang.  Hanggang ang lalake na nasa ilalim ng impluwensya ng alak ay biglang naging biyolente. Kumuha ito ng kutsilyo at binalikan ang asawa. Sinubukang awatin ng isang kaibigan ang galit na galit na lalaki, ngunit ayaw magpaawat ng huli. Nagbasag pa ito ng salamin, at gamit ang isang parte ng basag na salamin ay muling binalikan ang babae. Ayon sa ulat ng mga awtoridad, ang babae ay nagtamo ng sugat sa leeg. 

Agad namang nakatawag ng saklolo ang babae matapos itong makatakas sa bahay. Ang paghingi ng tulong ay para sa kanilang anak na naiwan sa loob ng bahay. Agad na dumating ang mga kapulisan at pumasok sa bahay. Hindi naging madali ang lahat dahil ang Pinoy ay nanlaban sa mga awtoridad.  

Matapos ma-neutralize ang pinoy ay agad itong inaresto.  Ang mag-ina ay dinala sa pinakamalapit na pagamutan. Pahayag ng babae, hindi ito ang unang pagkakataon na sinaktan sila ng kanyang asawa. Sa pagkakataong ito ay umabot na ang lahat sa sukdulan. Nanganib na ang buhay nilang mag-ina kung kaya’t napilitan na itong mag-denuncia.

Haharap sa kasong karahasan at pananakit ng asawa at resistance and disobedience to public officers ang pinoy. (Quintin Kentz Cavite Jr.)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Etna volcano, patuloy ang pag-aalburoto

Kulay ng mga Rehiyon ng Italya, simula March 1