Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, hindi mahulugang karayom ang Rizal Memorial Football Stadium kahapon dahil sa harap ng pinakamalaking crowd na nanood ng football sa Pilipinas, ay gumawa ng kasaysayan ang Philippine Azkals na nagbaon sa Sri Lanka Reb Bravers sa score na 4-0.
Ito ang kauna-unahang World Cup qualifier win sa kasaysayan ng Philippine football, at una rin sa second round.
Hindi binigo ng Azkals ang fans, mula sa opening hanggang sa final whistle ay talaga namang perfect moment para sa Philippine football.
Parang magigiba ang rafters ng Rizal Memorial ng maka score si Chieffy Caligdong sa 19th minute para sa 1-1 deadlock sa first leg sa Colombo noong Miyerkules
Hindi na magkarinigan nang sumunod na umiskor si Phil Younghusband sa 43rd minute para sa 2-0 lead sa halftime.
Pagkatapos ng break, kasabay ng mahigpit na depensa, sa 51st minute ay ang goal ni Angel Guirado, sa 57th naman ang ikalawang goal ni Phil Younghusband na syang nagbaon ng tuluyna sa red Bravers.
“I think we made a lot of pressure in the first 15-20 minutes. We we’re in a good flow today overall and we have many, many more chances,” dagdag pa ng coach nito na si Michael Weiss.
Nagbukas ang landas ng Azkals sa 2014 Brazil World Cup para harapin sa second round ang Kuwait.