in

Baby gang, holdaper ng mga cellphones, may kasamang Pinoy

Dalawang binatilyong estranghero ang nakilalang miyembro ng baby gang. Samantala, teenagers naman ang kanilang mga biktima

Modena, Hulyo 31, 2012 – Grupo ng mga kabataang naka tambay sa sentro ng Modena, nananakot at nangho-holdap sa mga ka-edad. Pawang mga telepono at ilang euros ang sapilitang hinihingi sa mga biktima. Ito ay isang krimeng nagsimula noong nakaraang Spring, na naging tanyag  sa mga taga-Modena.

Ayon sa mga report, dahil sa ginawang pagsisiyasat ng mga carabinieri, dalawang suspects ang nakilala. Nagsimula ito sa ninakaw na Samsung S2 Galaxy, na naganap sa loob ng Apple Store sa plasa Mazzini. Sa pamamagitan ng telepono ay nagawang makilala ng mga pulis si B.M.G.D., labing-animn a taong gulang na Pinoy, sinampahan ng kasong conspiracy to handle stolen goods (ricettazione) sa Bologna. Nakilala rin ang iba pang mga kasama ng Pinoy matapos ang naging pasalin salin ng telepono.

Isa pang binatilyo, H.A.O., labimpitong taong gulang na Italyano, sa katunayan ay ginamit pa ang Samsung.Pagkatapos, ay nakilala rin ang isa pang19 na taong gulang naTurkish, C.M., at napatunayang tumatayong lider ng​​ gang ng mga menor de edad.

Kinumpirma naman ng mga naging biktima sa pamamagitan ng litrato ang mga holdapers. Tinakot sa pamamagitan ng basag na bote, at minsan naman sa pamamagitan ng patalim ang kapwa teenagers na biktima.

Natagpuan sa tahanan ni C.M. ang ilang teleponong ninakaw noong nakaraang Spring at ibinenta sa isa ring menor de edad, Z.D., pati ang huli ay kinasuhan din.

Dahil sa mga naging ebidensya ay inamin ni C.M. ang pagnanakaw ng mga telepono at  wallet ng mga biktima.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong pasaporte, patunay para sa Sanatoria?

500,000 ang mga irregulars sa Italya