in

Bagong Pamunuan ng CONFED TOSCANA, Inihalal

Naidaos ang halalan ng bagong pamunuan ng Confederation of Filipino Communities in Tuscany o CFCT nitong Marso. Isang simple subalit makahulugang induction ceremony ng bagong pamunuan ay isiginawa rin.

Florence, Abril 27, 2017 – Matagumpay na naidaos ang halalan ng bagong pamunuan ng Confederation of Filipino Communities in Tuscany o CFCT noong ika-12 ng buwan ng Marso 2017 na ginanap sa loob ng CFCT assembly meeting sa Sala Riunioni ng Istituto Fanfani, Piazza Indipendebza, Firenze. Maraming kinatawan ng iba’t ibang asosasyon ang nakibahagi sa nasabing importanteng kaganapan. 88 ang bilang ng mga nakiisa mula sa 36 na mga asosasyon na galing sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon ng Toscana.

Sa pamumuno ni Pastora Susan Melad ng Jesus Loves You Church na tumayong chairman ng COMELEC, naging mapayapa at mabilis ang halalan na pinagtagumpayang muli ng dating Presidente na si Divinia Viaje Capalad. Malaki na ang kanyang nagawa sa mga kababayang pilipino sa rehiyon ng Toscana at muli siyang nangakong lalong pag-iibayuhin ang kanyang dedikasyon sa serbisyong panlipunan at panatilihin ang magandang tiwala sa pamunuan ng confederasyon ng mga pilipinong kanyang nasasakupan. Sa kanyang panawagan, hinimok niya ang lahat ng kanyang mga opisyales na lalong palakasin ang espiritu ng pagkakaisa at hinikayat ang lahat na maging aktibong miyembro ng nasabing confederasyon.

 

Samantala, napagkaisahan din na magkakaroon ng kinatawan ang bawat lalawigan na nasasakupan ng CONFED upang maitaguyod ng mas maayos ang pangangalaga at kapakanan ng mga kababayan na malayo sa opisinang sentral na nasa Firenze. Sa ganitong paraan mas magiging mabilis ang pakikipagkomunikasyon ng mga nasa malalayong lugar kung sakaling mayroon man silang nais ipaabot sa mga nanunungkulan. Ang mga nahalal sa naturang eleksyon ay ang mga sumusunod:

PRESIDENT: Divinia Viaje Capalad -A.I.F.

VICE PRESIDENT: Amelia Bayongan- F.I.T.

SECRETARY: Ma. Teresa Salamero-CFCT

ASST.SECRETARY:Teresita Rivera-GPII

TREASURER: Adelfa Punzalan-Aguman

ASST.TREASURER: Shirley Francisco- F.I.T.

AUDITOR:

Jerry Caldo- F.I.T.

P.R.O.

Marlon Lapitan-Fil.Indep.

Wilfredo Peru- UniFil, Empoli

Marlon Sampang-FilCom Pistoia

Bey Domingo- FGG

Nemie Bayan- RBGPII, Pisa

Rey Reyes – Mindorinians, Mabinians

S.P.O.

Chief 1- Alfredo Gumangan- Fil.Indep.

Chief 2- Carlito Molina- GPII Red Eagle RAM

Task Force members:

Ricafort Lanuza- Guardians Elite

Jimmy Esteba- GSBII

Noli Alonzo- GBI TBBI

Chito Pamis- Tau Gamma Phi

Jonathan Pascual- SRB

Para sa mas maayos na pagpapatakbo at pag-alay ng serbisyo ng mga nahalal na bagong opisyales, napagkasunduan din na italaga ang mga Committee Heads at mga Board Council Chairmen. Ang bawat committee ay magkakaroon ng kanilang sariling desentralisadong pamunuan para makapagusap-usap at makapagplano ng maayos ng mga aktibidades na napapabilang sa kanilang sektor. Ang mga proyektong kanilang mapag-uusapan at mapaplano ay ipapasa nila sa mga mas nakatataas na opisyal para sa pinal na approval.

BOARD COUNCILS:

BOARD COUNCIL CHAIRMAN ON SPIRITUAL AND SOCIO- CULTURAL:

Rev.Fr. Cris Crisostomo- Sentro Katoliko Empoli

BOARD COUNCIL CHAIRMAN ON SOCIO-CULTURAL:

Loida Lat- FilCom Pistoia

Socio- Cultural Committee Heads:

Leandro Pinon – GBI & FGG

Teresita Abrigo – FGG

BOARD COUNCIL GENERAL AFFAIRS CHAIRMAN:

Wilfredo Punzalan – GPII Red Eagle

General Affairs Committee Heads:

Amelia Bayongan, Teresa Salamero

BOARD COUNCIL CHAIRMAN SOCIO-POLITICAL, Rights & Duties Migrant Laws

Roderick Ople- Empoli

Socio- Political Committee Heads:

Mely Megote- Empoli

Luzviminda Paladin-Patronato Labor

BOARD COUNCIL CHAIRMEN ON SPORTS:

Pablo Alvarez- FSCS

Nelson Rabang- Timpuyog

Sports Committee Heads:

Marlon Lapitan- Fil.Indep.group

Freddie Purificacion- FilCom, Empoli

BOARD COUNCIL CHAIRMAN ON FINANCE ECONOMIC RESOURCES:

Teresita Jimenea – FCCF

Corazon Hernandez – PINOI, Arezzo

Economic Resources Committee Heads:

Adelfa Punzalan- Aguman,

Shirley Francisco-FIT

Anselmo Marzan-Saranay

BOARD COUNCIL CHAIRMAN ON SOCIAL-SERVICES, Health/Sanitation

Quintin Kentz Cavite- GUARDIANS INTERNATIONAL (GI) Montecatini Terme

Social Services Committee Heads:

Cenon Palejon- SRB

Remelie Abrigo- FNAT

BOARD COUNCIL CHAIRMAN ON SELECTION/ELECTION:

Bro.Jhun Macatangay- ADIMEF

Selection/Election Committee Head:

Pastora Susan Melad- JLY

BOARD COUNCIL CHAIRMEN ON SECURITY, PEACE AND ORDER:

Ponciano Penuliar, Jr.- Fil.Indep.group

Frumencio Barbosa- GBI TBBI

Security, Peace and Order Committee Heads:

SPO Chief 1- Alfredo Gumangan- Fil.Indep

SPO Chief 2- Carlito Molina-GPII Red Eagle-RAM

INDUCTION

Isang simple subalit makahulugang induction ceremony ng mga bagong halal na pamunuan ng CONFED Tuscany ang isiginawa sa pangunguna ni Consul General Adrian Bernie Candolada ng Philippine Embassy sa Roma, kasama rin sina Vice Consul Nadine Moralez, Labor Attachè Ponciano Ligutom at Welfare Officer Hector Cruz.

Nagbigay naman ng Invocation prayer si Rev. Fr. Cris Cielo Cirosostomo.

Ang nasabing seremonyas ay napagdesisyunang gawin pagkatapos ng unang araw ng consular outreach noong ika-22 ng abril sa Circolo Due Strade sa Firenze.

Nagbigay din ng inspirational message si Consul Fabio Fanfani na muling pinuri ang mga pilipino na nasa Toscana sa kanilang walang sawang serbisyo sa pangunguna ng mga nahalal na opisyales. Mapapansin na halos laging positibo ang mga komento ng mga italyano sa komunidad ng mga pilipino dahil kahit na malaki ang bilang natin sa kanilang bansa, ngunit hindi halos mapapansin ang ating presensya dahil sa katahimikan natin habang tayo ay nagtatrabaho at nag-aasikaso ng ating mga pamilya. “Fully integrated” umano ang mga Pilipino sa Italya kaya naman laging nakaagapay ang kanilang gobyerno sa anumang tulong na maari nilang maibigay sa mga lider ng ating mga komunidad.

Makabuluhan ang mga huling binitawang salita ng muling naihalal na Presidente Divinia Capalad sa kanyang mga bagong katuwang sa pagpapatakbo ng confederation: “Magtutulungan tayong lahat dito, magkakasama sa serbisyong walang atrasan at walang iwanan, sa hirap at sa saya“.

 

ni: Quintin Kentz Enciso Cavite Jr.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pre-departure Italian language course ng TESDA, sisimulan sa Mayo

“We just don’t dance, we share love” – Infinity Love