in

BALIK SA BASIK sa Modena, matagumpay na naisagawa!

BALIK SA BASIK o Balik sa Buhay na Anyo ng Sining at Kultura, ang matagumpay na fashion show na ginawa sa Modena Italy. 

 

Modena, Hunyo 20, 2016 – Naging matagumpay ang fashion show na tinawag na BALIK SA BASIK o Balik sa Buhay na Anyo ng Sining at Kultura na ginanap sa Modena Italy.  Ito ay naglalayon na ipakilala sa mga kabataan ang ating sariling kultura sa pamamagitan ng isang fashion show na isinagawa at pinangunahan ng Knights of Rizal at Kababaihang Rizalista Modena Chapters

Ipinakita ng 20 models/candidates (10 male, 10 female) ang mga kasuotan na nagmula sa malikhaing disenyo at gawa  ng Fashion Ambassador ng Pilipinas na si Renee Salud. 

Mayroong apat na kategorya ang mga kasuotan na isinuot ng mga kandidata, Casual wear, Festival Wear, at dalawang kategorya ng Formal Wear. Maliban sa Casual Wear lahat na ginamit ng 20 candidates ay mga kasuotan na ginawa at idinesenyo ni Renee Salud. 

Sa kategorya ng Festival Wear, ipinakita ang ibat-ibang kasuotan na isinusuot sa mga festival na ginaganap sa Pilipinas mula Luzon hanggang Mindanao habang ang mga Formal wear naman ay ang mga Barong Tagalog at mga natatanging disenyo ng mga gowns sa mga kababaihan.

Binigyan ng award ang mga Models/Candidates na nanalo sa ibat-ibang kategorya:

Festival costume: Desiree Napenas at John Arasula

Mr. and Ms. Congeniality:  Steven Miseha  at Sharina Magbojos 

Best in production no.: John Arasula at Brigette Magtibay 

Mr. & Ms.Body Beautiful: Kevin Magnavacchi at Patricia Casildo

Best in Formal Wear: Kevin Magnavacchi at Patricia Casildo 

Nakakuha ng 2nd runner up sina Godwin Dimaandal at Pearl Hyacinth Bantugon

1st Runner up naman sina Kevin Magnavacchi at Sharina Magbojos

Itinanghal na panalo at tinaguriang Euro-Pinoy Top Model sina Mark Ace Baybay para sa Male category at si Patricia Casildo para sa Female category. Itinanghal rin sila bilang Ambassador of Good Will na kakatawan bilang modelo ng mga kabataan sa mga proyektong Youth Leadership Training na isinasagawa ng Knights of Rizal at Kababaihang Rizalista sa Italy sa tulong ng CYLD o Council of Youth Leadership Development.

Ipinakilala rin ang mga kilalang Street Foods, kakanin at tinapay na karaniwang mabibili sa mga lansangan sa Pilipinas, kabilang sa mga inihain ang kwek-kwek, Fish Ball, Squid Ball, kalamay, puto, kutsinta, ensaymada, Spanish bread, Sorbetes, at marami pang iba. Kabilang sa mga dumalo sa Fashion Show sina Vice Consul Flaurene Dacanay ng Philippine Consulate sa Milan. Dumalo rin ang mga miyembro ng Federazione Filippini di Modena o FEDAFILMO sa pangunguna ng kanilang Presidente na si Kapitan Dionisio Adarlo, Knights of Rizal Area Commander for Italy na si Sir Carlos Simbillo, KCR, mga lider ng iba’t-ibang asosasyon at mga Italians.

Pinasalamatan ng mga Chapter Commander ng Knights of Rizal Modena Chapter at Presidente ng Kababaihang Rizalista Inc, Modena na sina Sir Gerry Adarlo, KCR at Lady Winnie Crisostomo ang mga naging susi ng tagumpay ng project sa pangunguna ni Renee Salud, sa kanyang Direktor na si Cata Figueroa, Assistant na si Jun, Tita Laarni Silva na siyang naging utak at nagpropose ng nasabing proyekto, mga sponsors at mga miyembro ng Knights of Rizal at Kababaihang Rizalista higit kina Sir Ian Atienza, Lady Licel Ferrer, Sir Dennis Ilagan at Sir Emerson Malapitan na kasama nilang nanguna sa pag-oorganisa. 

 Para sa mga larawan, i-click lamang ang link na ito.

ni: kormodena

larawan ni: Niño Resurreccion

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ika-118th Kalayaan, ipinagdiwang ng FilCom-Genova

Servizio Nazionale, patuloy ang paghahanap ng mga boluntrayong kabataan hanggang June 30