in

Bandilang Pilipino muling itinaas ng Sining Kumintang ng Batangas

alt

Cagliari –  MULING HINANGAAN ng manonood dito lalong lalo na ng mga Asseminians ang naging pagtatanghal ng mga kabataang Pilipilino sa idinaos na 35th na taon na pagdiriwang ng Is Pariglias Festival.

Sa isinagawang programa, kinanta ng Solo ni Gigi Cordero ang ‘La Preghiera’ sa harap ng mga dumalo sa Parocchia di San Pietro na ikinatuwa naman ng marami.

 

Sinundan ito ng parada mula sa simbahan hanggang sa plasa na nasa harapan ng munisipio.

 

Sa mismong pagtatanghal sa entablado, ipinamalas ng grupo ng Sining Kumintang ng Batangas  ang kakaibang sayaw na Maria Clara. Ipinakita nila kung ano ang impluwensya ng 300 daang pananakop ng Kastila sa Pilipinas gamit ang instrumento ng gitara, yukilili at bandoria.

 

‘Questo grupo dei Filippini è veramente bravo’, ang naging sambit ng Official Photographer ng Festival na si Mario Lastretti.

 

Sa ikalawang bahagi ng pagtatanghal, sa kasuotang etniko naman nila ipinakita ang kakaibang Pilipinas. Taglay ang sayaw na ‘Singkil’ at ito ay  sinaliwan ng tugtog ng ‘Gong’.

 

 

Ang ‘Is Pariglias’ ay isang International Folk Dance Festival na dinandaluhan ng maraming bansa dito sa Assemini. Kabilang ang Venezuela at Russia sa mga bansang dumalo ngayong taon. Nagpakita rin ng kanilang sayaw ang mga taga Assemini at Solanas. Kasama pa ang ibang mga bansa sa East Europe, muling nagpakita ng galing ang mga kabataan Pilipino kahapon Lunes, ika-1 ng Agosto, sa Piazza San Pietro, Assemini (Elmer Orillo)

altalt

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

CONCERNED CITIZEN DAW!

BISITA NG POLO-OWWA SA CAGLIARI PINAGHAHANDAAN