in

Bantay Bayan Foundation International

“MakaDiyos, MakaTao, MakaBayan, MakaKalikasan”
 
Milan, Nobyembre 3, 2014 – Masayang nagdiwang ng unang anibersaryo ang “Bantay Bayan Foundation International” sa Milan na pinamumunuan ni Carlos Dimaan, Director Organizer.
 
 
Pangunahing layunin ng grupo ang tulungan ang ating mga kababayan partikular ang mga biktima ng kalamidad gayun din ang magbigay ng suporta sa Home for the Aged.
 
Kung kaya’t kapit bisig ang bawat miyembro sa pag-aalay ng kanilang tulong sa mga nangangailangan.
“Si Dr. Ben B. Caralde ang founder at president ng Bantay Bayan na naghimok sa amin para magtatag ng isang grupo dito sa Italya” pahayag ni Dimaano. Ang Bantay Bayan ay laganap na rin sa buong Pilipinas at ang pangunahin taggapan nito grupo ay matatagpuan sa Camp Aguinaldo, dagdag pa ni Dimaano.

 
Sa isang taon na pagkakaisa ng grupo sa Italya ay napalawak nila ang mga miyembro nito. Buwanan ang kanilang pagpapadala ng mga relief goods sa Camp Aguinaldo  at si Dr. Caralde ang mismong naghahatid ng mga ito sa mga lugar na nangangailagan ng tulong.
 
“Kahit walang mga disaster, kami po ay nagpapadala ng mga relief goods”, paalala rin ni direktor. Sa katunayan, ang huling packages na pinadala ng grupo sa Camp Aguinaldo ay ang maagang pamasko para sa mga Aetas na nagpunta mismo sa kampo upang humingi ng kanilang pamasko.
 
Bukod dito ay tumutulong din ang grupo sa mga kababayan natin OFWs sa Milan.
 
“Mayroon din kaming Bantay Bayan sa airport, sakaling magkaroon ng mga problema, may natatawagan din kami sa opisina ng paliparan”, pahayag ni Dimaano.
 
May tulong pinansiyal ding ipinapaabot ang grupo sa ilang kababayang OFWs sa Milan. Inihalimbawa ni Dimaano ang kanilang pagtulong bumili ng gamot at ibang pangangailangang medikal kung sakaling walang kakayahang tustusan ang mga ito. Sa pangkalahatan, ay sinisikap nilang ligtas ang ating mga kababayan sa abot ng kanilang makakaya. 
 
Lahat ng ito ay sa pamamgitan ng mga raffle draws bilang paraan ng fund raising. Ang kita nito ay ibinibili nila ng mga prime commodities, mga damit para sa mga kapus-palad at maging para sa home for the aged.
 
Sa naganap na okasyon noong October 26, 2014, ay pinangaralan ang ilang miyembro ng Bantay Bayan na kinabibilangan nina Mariz Salazar, Liza Maloles, Apron Villegas, Ellen Bobila, Del Prado Castillo, Victorino Navarez, Wilson Malicsi, Nenita Maloles, Fred Sumera, Sheryl Avenido, Claire Baculo, Verna Villegas, Frederick Nerona, Theodora Alvarez, Amante Solis,Eduardo Del Rosario, Lina Cabral.
 
 
At para sa special awards naman, nahirang ang Mr. and Miss Bantay Bayan na sina Arnel  Peña at Nicole Rabe, Mr .and Mrs. Bantay Bayan, Antonio Pavarati at Myra Mabalay, Mr & Miss Star of the night, Dennis Molina at Shane Umali, Kids Bantay Bayan na sina Marisol Amante at Jairus Angelo Maloles at Little Star of the night ay si Marie Mabalay.
 
Dumalo din ang iba’t ibang grupo ng Filipino Community sa naturang okasyun, ang Bicol Saro, Primo Milan, UPC Milan at mga kaibigan ng Bantay Bayan.
 
Nagkaroon ng mga dance numbers mula sa miyembro ng Bantay Bayan at mga invited dance group na kabataan, maging sa song numbers mula sa mga invited guest and visitors.
 
Sa pagtatapos ay pinasalamatan  ni Dimaano ang mga dumalo sa naturang okasyon at hinikayat ding suportahan ang layunin ng kanilang grupo sa pagbibigay tulong sa mga kababayan natin hindi lamang dito sa Italya kundi lalong higit sa Pilipinas.
 
Chet de Castro Valenciaphotos
credits to United Pinoygraphers Club Milan
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Progetto Malaika – Immigrant Women’s Support

Pagsubok sa wikang italyano, Sibika at Kultura, sisimulan na!