in

Barangay Pook Agoncillo at SIGLAKAS Club Italia, nagdiwang ng piyesta

Milan, Mayo 15, 2015 – Ika-9 na taon na pagdiriwang ng piyesta ng Barangay Pook Agoncillo, Batangas ang ginanap sa Italya, kasabay ang anibersaryo ng SIGLAKAS Club Italia.

Ang SIGLAKAS, ayon kay President Bert Mendoza  ay pinagsamang salita ng Sigla at Lakas ng samahan. “Itinatag ito noong dekada 70 sa panahon ng aming dating Mayor na si Ed Mendoza.”

Ipinagpapatuloy ng nasabing samahan ang taunang pagdiriwang kung kaya’t umabot na ito sa ika-9 na taon ng pagkakaisa. Sa katunayan, may higit 200 miyembro na sa kasalukuyan maliban ang mga kabataan.

Mga ka-barangay na nagmula pa buhat sa Firenze, Trento, Vareze, Parma at Roma ay dumayo sa Milan para makisaya sa nasabing pista.
Isang tradisyon sa tuwing piyesta ang pagsasagawa ng “Subli” kung saan  nag-aalay, sa pamamagitan ng sayaw, sa Mahal na Poong Sta Krus, na kadalasan ay isinasagawa ng mga Batangeño partikular sa bayan ng Agoncillo at ilang barangay na nasasakop ng naturang bayan.

May 3 ang talagang araw ng piyesta ng barangay namin at nataon na linggo dito at walang pasok kaya sabay ang naging pagdiriwang sa Pilipinas at Italya” sinabi pa ni Mendoza.

Ang kanilang pangunahing programa ay ang “Search for Mr & Mrs SIGLAKAS 2015” kung saan sa pamamgitan ng tatlong hurado na kinabibilangan nina Carlos Dimaano, Massimo Modesti at Nancy Flores, ay napili sina Mr & Mrs Bernie at Lea Libang bilang Mr & Mrs SIGLAKAS CLUB ITALIA 2015.

Samanatala, 1st runner up naman sina Ariel at Joy Mendoza; 2nd runner up sina Lesty at Virgie Sarmiento; 3rd runner up sina Max at Debbie Alcazar; 4th runner up sina Lhonie at Vangie Alcazar; Mr & Mrs Hope sina Boy at Nene Holgado; Mr & Mrs Faith sina Poncing at Rhona Miranda; Mr & Mrs Love sina Jun-Jun at Agnes de Villa; Mr & Mrs Wisdom sina Edwin at Gina Landicho.

Best in gown naman, sina Virgie Sarmiento at Sylvia Holgado; Best in Attire sina Ariel Mendoza at Bernie Libang; nakuha naman ang Mr & Mrs Photogenic nina Bernie Libang at Rhona Miranda.

Si Ronald Atienza ang panaunahing pandangal at ikinatuwa nito ang pagkakaisa ng mga taga-Barangay Pook, Agoncillo.
Aniya, saludo siya na napapanatili nilang matibay ang samahan ng kanilang barangay na ipinundar pa ng kanilang mga ninuno at mga magulang.

Sa kabila nito, pinasalamatan ng presidente ng SIGLAKAS ang suporta ng Bantay Bayan Foundation in Italy sa pamumuno ni Director Carlos Dimaano na nagbigay ng mga tropeo, sash at mga plaque.
 

Nagpapasalamat rin kami sa suporta ng mga karatig barangay namin na nakiisa sa aming piyesta”. Sa pagwawakas ni Mendoza
Sa halaga naman na kanilang nilikom sa pagdiriwang ay i-aambag sa pagpapatuloy ng pagpapaganda ng kanilang barangay Pook sa bayan ng Agoncillo, Batangas.

 

ni: Chet Valencia
larawan ni: Jesica Bautista

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Domestic workers, may karapatang makatanggap ng unemployment allowance?

Citizenship online, hindi kabilang ang mga patronati