Nalalapit na ang ikalawang taon ng Barrio Fiesta sa Roma!
Matapos ang masayang pagdiriwang noong nakaraang taon, muli ay nagbabalik ang pagdiriwang na sumasalamin sa pananampalataya at tradisyon sa pamamagitan ng awit, sayaw, sining, kaugalian at mga pagkaing tampok sa espesyal sa araw ito, ang Barrio Fiesta II.
Sa pangunguna ng Sentro Pilipino Chaplaincy Roma at pakikipagtulungan ng Socio Cultural, Health at Sports Minsitry ng SPC at ng iba’t ibang asosasyon at mga indibidwal sa Roma, tema ngayong taon ay “Ang Sambayanang Pilipino: Nagkakaisa sa Pagbabalik-tanaw at Pagbibigay-buhay” dahil na rin sa pagnanais na sama-samang gunitain ang nagisnang kinagawian, ipamana ito sa makabagong henerasyon ng mga kabataan at ipamalas at ibahagi ang ligayang hatid nito sa ibang mga nasyunalidad.
At dahil ito ay isang pagdiriwang, masasaksihan rin ang mga katutubong sayaw hanggang sa Zumba experience, mararanasan ang ibat-ibang palaro ng mga larong tradisyonal at paligsahan sa sports at matutunghayan din ang mga paboritong pagkain na sama-samang pagsasaluhan ng lahat.
Bukod dito, mahalaga ring ibahagi ang husay sa sining sa pamamagitan ng paglahok sa Barrio Fiesta Logo Making Contest at Recycled Material Art contest.
Labat ng nabanggit, sa Abril 29, 2018 sa Pontificio Collegio Filippino, Via Aurelia 490 RM.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang kay Cynthia de la Cruz 3288481237.