in

Basketball One Day League at Kampanyang Bigas Di Bala, idinaos sa Firenze

Bukod sa pagpapakitang husay sa paglalaro ng basketball ay nakiisa rin ang mga manlalaro at manonood sa mga biktima ng masaker sa Kidapawan.

 

 

Florence, Abril 27, 2016 – Naiibang Basketball One Day League  ang natunghayan ng mga OFW sa Empoli – Firenze. Una ang pagpapakita ng husay sa paglalaro ng basketball pati na ang pakikipagkaisa ng mga manlalaro at manonood  sa mga biktima ng masaker sa Kidapawan noong nakaraang Abril 1, ngayong taon.

Naglabas ng mga karatula o plakards ang pamunuan ng OFW Watch Tuscany maging ang Migrante Firenze para sa panawagan ng hustisya kaugnay sa nangyaring pagbuwag sa protesta ng mga magsasaka na humihingi ng tulong sa pamahalaan upang mabigyan sila ng bigas.

OFW Watch Tuscany ang nag-imbita ng palaro. Pinamahalaan ito nina G. Nelson Rabang, ang Presidente ng alyansa, Allan Macalindong, Chairman ng Komite sa Palakasan at Vice Chairman Frediemor Purificacion. Lumahok sa nasabing One Day Leauge ang  FILCOM- Empoli, TEAM Galluzo, Timpuyog of Florence, GBI – Empoli, Team PISA at MIGRANTE  Firenze. Dinaluhan ito ng mahigit dalawandaan (200) OFW mula sa iba’t ibang siyudad sa probinsya ng Firenze.

Bago nagsimula ang palaro, sinabi ni Pres. Nelson Rabang na, “Sa One Day League na ito, layunin nating ipakita at ipaalala na kung walang magsasaka, walang makakain ang taong bayan. Maglaro tayo hindi lamang sa ngalan ng palakasan at pakikipagkaibigan. Ihandog natin ang isang araw na ito sa mga nagugutom, sa mga biktima ng karahasan at maging sa pagpapabaya ng pamahalaan ”.

Tsampiyon ang FILCOM Empoli  laban sa Team Galluzo, sa isang puntos lamang na kalamangan. 

Kailangang magkaisa ang mga kabataan para sa mithiing makatulong sa ating mga magulang”, sagot na nagpanalo kay  Miss Elaiza Escalona para tanghaling Best Muse ng paliga. MVP naman si Duval Manigbas dahil sa ipinamalas na husay nito at malinis na paglalaro. Samantala, kahit di pumasok sa semi-finals ang Migrante Firenze, kontento na sila na makasama ang iba pang OFW sa pagpapahayag ng sentimyento, pananaw at opinyon kaugnay ng Kidapawan Masaker.

 

 

ni: Rhoderick Ople

larawan ni: Allan Macalindong

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Clean Up Drive Project, isinagawa ng FilCom sa Messina

Bagong pamantayan ng Regularization upang suriin muli ang mga aplikasyong tinanggihan