in

BASKETBALLERS nasa Season 3 League na!

Ang BASKETBALLERS ng Roma ay opisyal na sinimulan ang Monte Tiburtini Season 3 League.

Magsasalpukang muli ang apat na koponan ng basketball ng grupong Basketballers. Mahigit na ding sampung taon ang grupo at patuloy na pinapahalagahan ang nabuong samahan. Layunin ng grupo ay magkasama-sama hindi lamang sa loob ng court at pati na din ang bonding ng bawat pamilya.

Ang mga manlalaro ay may mga edad na 30+, 40+, 50+ at ilang 60+. Tuwing araw ng Sabado naglalaro ang Basketballers ng kanilang kinahiligang sport at pagkatapos ng dalawang laro sama-samang nagsasalu-salo ng mga dalang mga pagkain at inumin. May buwanan ding ambagan ang mga manlalaro para sa pambayad ng court. Sinisikap ng bawat isa ang sumuporta para sa ikagaganda at tagumpay ng samahan

Sina Sel del Carmen at Mike Moreno ang mga Commissioners na namamahala ngayon sa tulong ng mga Veterans na sina Filipo Agoncillo, Pako Perez, Joey Cudiamat at Teddy Perez na sila ang mga namumuno sa bawat koponan.

Sa unang araw ng sagupaan tinalo ng Team Pako ang Team Teddy at hinirang na Best Player of the Game si Bong Ibay. Sa pangalawang laro naman ay nagwagi ang Team Filipo sa Team Joey at si Bisoy Bueno ang nakasungkit ng medalya ng Best Player of the Game.

Ang Basketballers ay nagkakaruon din ng sama-samang kasiyahan kasama ang buong pamilya tuwing Kapaskuhan at Awarding sa bawat pagtatapos ng Liga. Ang Team Teddy ang kampeon ng Season 1 at Team Pako naman sa Season 2. Sino kaya ang tatanghaling KAMPEON ng SEASON 3?

Hiniling lang ng mga namumuno sa mga manlalaro na panatilihin pa din ang disiplina, sportsmanship at respeto sa bawat isa para sa ikatatagumpay ng samahan.

Sama-samang maglalaro, sama-samang mananalo, sama-samang matatalo… magkakasama matapos ang laro”

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Partita IVA at Subordinate Contract: Timbangin ang mga Benepisyo at Obligasyon

Decreto Flussi, baguhin! Click Day, tanggalin!