Rome, April 14, 2011 – Ang probinsya ng Batangas at Roma ay pinagplaplanuhan ang pagkakaroon ng “Twin Province Partnership” hinggil sa pagtugon sa negatibong epekto ng migrasyon at pagpapalakas ng potensyal ng mga OFW na paunlarin ang mga pamilya at kanilang komunidad.
Dumating sa Rome ngayong April 14, 2011 ang mga opisyales ng probinsya ng Batangas na sina Meynard Melo, Provincial Planning Officer at Officer in Charge ng 1 Batangas OFW Center na kinatawan ni Governor Vilma Santos Recto; Mayor Nilo Villanueva ng Mabini, Vice Honorlito Solis ng Lemery at Administrator Elizabeth Morpe ng Rosario.
Sila ay mga panauhin sa conference ng Comitato Internazionale per lo Sviluppo dei Popoli , Filipino Women’s Council at Atikha Overseas Workers and Communitities Initiative “ Maximizing the Gains and Minimizing the Social Cost of Migration in the Philippines” sa April 15, 2011 sa Palazzo Valentini, Province of Rome. Ito ay isang proyekto ng sinusuportahan ng European Union- United Nation Joint Migration and Development Initiative. Interesado ang probinsya ng Roma sa partnership sa Batangas na dahil sa laki ng bilang ng taga Batangas sa nagtratrabaho sa Roma. Nakilala ang malaking kontribusyon ng mga OFW sa pag-unlad ng bansang pinagtratrabauhan at kanilang komunidad na pinanggalingan. Kaya nakikita na nararapat lamang na magkaroon ng programa na tutulong sa mga OFW at kanilang pamilya sa Pilipinas.
Inaanyayahan ang lahat lalo na ang mga taga Batangas na dumalo sa Forum “ Programa at Proyekto sa OFW at Pamilya sa Batangas” sa April 17, 2011, 2:00-5:00 pm na gaganapin sa Casa Internationalle Delle Donne, Via San Francesco de Sales No 1-A. Isa itong magandang oportunidad upang magkaroon ng talakayan ng mga kasalukuyang programa sa Batangas at ang mga nais pang programa ng mga OFW upang mapakinabangan ng husto ang mga serbisyo ng pamahalaan at iba pang organisasyon sa Batangas. Ibabalita din sa Forum ang mga Plano hinggil ng Roma at Batangas at ang nalalapit na pagbisita ni Gov. Vilma Santos sa Rome. (Aileen Constantino-Penas)