in

“Battle of the Sponsors”, kung saan ang mga sponsors ang bida!

Battle of the Sponsors”, ang kauna-unahang one day bowling tournament sa Roma na kung saan ang mga sponsors ang bida at sila ang mga manlalaro.

Isang kakaibang palaro ang isinagawa ng Tropang Bowlers Association in ItalyTBAI sa pamumuno ni Norie Ignaco noong nakaraang Setyembre 23, 2018 sa TIAM Bowling Lanes sa Roma. Ang mga taga suporta ng grupo ang manlalaro sa naging matagumpay na palaro ng TBAI.

Bukod sa mga sponsors, sumuporta din ang mga manlalaro ng FBAI (Filipino Bowlers Association in Italy) na pinangunahan ni Randy Fermo ang Presidente ng grupo, ang grupo ng TAOC-IG Italy ni Zandy Lozano, Art Belarmino, Japh Reyes, Nelly Reyes at iba pang kasama nila sa grupo, ang JC Premier Team ni Coach Nalyn Quilos at iba pang mga tagapagtaguyod ng TBAI.

Naglaro ng apat na laro ang mga Bowlers-Single’s at tinanghal na kampeon si Leon del Espiritu, 2nd si Mark Aniz, 3rd si Aida Viray at 4th naman si Randy Fermo. Si Aida Viray ang “Top Bowler of the day”, sya ang nanguna sa hanay ng mga kababaihan at pumasok pa syang pangatlo sa pangkalahatan. Si Mai Sosa ang naging Kampeon sa Women’s Division, 2nd si Almie Espiritu at 3rd si Sonia de los Santos. Sina Leon del Espiritu at Corazon de los Reyes naman ang mga may matataas na indibiduwal na iskor.

Ang Top 4 naman sa Sponsor’s Division – Double’s ay hinaluan ng Top 4 mula sa mga Bowlers at lalong naging mas malakas ang hiyawan ng mga manunuod na nakasuporta sa mga koponan. Ang nag-Champion – Team Mark, France and Brendon, 1st Runner Up – Team Pres. Randy Ayz Luistro and Alenn M. Cepillo, 2nd Runner Up – Team Leon, MJ Avena and Marlon Sanchez Venzon, Team Aida, Girlie Delos Reyes & Arturo Art Belarmino.

Nagkaroon din ng masaganang salu-salo ang lahat pagkatapos ng palaro. Labis ang pasasalamat ni Ate Eiron sa mga nakilahok na 52 manlalaro, sa mga bisita at nagbigay ng suporta sa palaro ng TBAI. Bukod sa naging saya, bahagi ng palarong ito ay ang pagbibigay ng mga “groceries” sa Kumbento ng Sta. Anna sa Roma.

“Naglaro, nagsaya, nabusog… nakatulong pa!”

 

 

Teddy Perez

 

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Disegno Legge 718 ng Lega: Test di Cittadinanza

Mga Pinoy bumida sa magkahiwalay ng exhibit sa Paris France