in

Bayanihan sa Catania, may 107 pamilya ang nakinabang

Bayanihan sa Catania

Umabot sa 107 ang mga pamlya ang nabahaginan ng mga relief goods ng Bayanihan sa Catania. 69 families sa unang batch at 38 families naman sa ikalawang batch. 

Nagsimula ang bayanihan ng may tumawag na donor mula Sigonella, isang US military base sa Catania. Nangamusta sa mga kababayan natin, nag-alala sa mga nawalan ng trabaho at nagtanong kung paano makakatulong. Sa tulong ng Fil-Am Sigonella Community at ang Sigonella Travellers ay nagsimula ang Bayanihan sa Catania. 

Sariling pera at galing sa bulsa ng Fil-Am Sigonella at Sigonella travellers ang relief goods. Ang bawat indibidwal ay namili ng kanya-kanyang ipamimigay na relief goods at dinala sa bahay nina Jenny Alonzo (1st batch) at Glen Concepcion (2nd batch) upang ipack singularly. Sila ang mga Coordinators ng Bayanihan sa Catania”, ayon kay Bhong Y. Hailar ang Presidente ng The Filipino Association of Catania.

Nagpatala ang nangailangan ng tulong. Binibigyang priyoridad ang pamilyang may miyembro na nawalan ng trabaho, may menor de edad at ang mga magulang ay may edad na at hindi na nagta-trabaho. 

Basic foods katulad ng bigas, kape, gatas, asukal, noodles, de lata, oatmeals, chocolates, vitamin C, mga palaman sa tinapay at marami pang iba ang laman ng bawat pack. 

Ang distribution naman ng mga relief goods ay ginawa sa compoud ng mga Pilipino sa San Giuliano, sa pangunguna ng Presidente ng Fil-Am Sigonella na si Rey Banaires. Doon ay nagpunta ang bawat representative ng pamilya upang kunin ang kanilang goods. Yung iba naman ay pinakuha sa mga kakilala na nag-claim upang maiwasan ang pagkumpol ng mga tao. 

Bukod sa mga nabanggit, ay kasama ring volunteers ang mga officers at advicers ng The Filipino Association of Catania, sa pangunguna ni Bhong Hailar.

 “Kung mayron ulit na hihingi ng tulong, kami ay mag-oorganize at magpaplano ulit batay sa pangangailangan”, pagtatapos ni Presideent Bhong. 

Tinatayang may higit kumulang na 700 mga Pilipino ang residente sa Catania. Iilan lamang ang natirang nagta-trabahong Pinoy dito dahil sa Catania may pinakamaraming kaso ng covid19 sa South Italy. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bayanihan Covid-19 sa Reggio Calabria

Ilang pamilyang Pinoy sa Roma, nakatanggap ng grocery supply mula sa Fukyo Protezione Civile