in

Be Eco! Be Global! Be Fibre!

Muling nagbabalik ang maituturing na isa sa pinakamalaki at pinakamahalagang kaganapan ng komunidad sa Roma at buong Italya hindi lamang sa larangan ng kultura kundi pati sa larangan ng moda – ang Fibre Filippine sa ikalawang edisyon.
 
Para sa taong ito, hatid ng European Network of Filipino Diaspora (ENFiD) at ng Les Artistes ang 4 na araw na pagtatanghal ng mga pangunahing eco-fibers mula Oct 16 hanggang Oct 19.
 
 
Sa gaganapin na “Gala Event & Charity Buffet” sa Oct 18 sa Museo Nazionale Luigi Pigorini ay opisyal na ilulunsad ang tatlong mahahalagang layunin ng proyekto: ang layuning ekonomikal sa Pilipinas – ang pagyamanin pa ang produksyon ng mga produktong ito at samakatuwid pagbibigay ng higit na trabaho sa mga nangangalaga nito; layuning sosyal – upang higit na maitaas ang imahe ng Pilipinas at ng mga Pilipino sa mundo; at layuning kultural – di lamang sa pamamagitan ng isang fashion show bagkus ang ipakilala ang likas yamang ito sa bansang Italya.
 
Sa araw ding ito ay matutunghayan ang unang araw ng fashion show buhat sa mga pinaka kilalang Filipino designers sa larangan ng ‘moda’ tulad nina Happy Andrada, Jaki Penalosa, Jayson Glarino, Renan Jay Pacson at Rene Salud. Isang Charity Buffet naman ang gaganapin pagkatapos ng fashion show. 

 
Isa sa ‘novità’ o magandang balita hatid ng edisyong ito ay ang pagpasok ng Philippine eco-fiber sa Euroma2 na isa sa mga itinuturing na pinakamalaki at pinakamahalagang commercial center sa Europa. Mula Oct 11 hanggang Oct 19, sa pagdiriwang ng fashion week o 'settimana della moda' sa nasabing mall – na may 200 boutiques, at 30 restaurants at bars –  ninais ng mismong may-ari ng gusali, na siya ring nagmamay-ari ng 56 na commercial center sa buong Europa, ang isang exhibit kung saan matatagpuan ang mga pangunahing eco-fibers ng Pilipinas. Bukod dito, nakatakda rin ang Eco-Fashion Show Fibre Filippine kung saan, sa unang-unang pagkakataon ay magiging bahagi ang Filipino Community, Filipino designers at models sa makabuluhang pagkakataong ito.
 
Target naman sa business meeting na nakalaan sa Oct 18 ang promosyon ng iba’t ibang commercial activities. Sa isang panayam kay Michele Piacentini ng Les Artistes, kinumpirma nito ang pakikiisa sa business meeting ng mga tanyag at matagumpay na enterpreneurs tulad ng Lindt Cioccolateria, Birra Peroni at Barilla ng Italya ang mga makakasalamuha ng SM, Limtuaco Distillery at iba pa buhat naman sa Pilipinas. Bukod dito, inaasahan din ang pagdating ng ilang kilalang politiko tulad nina Hon. A. Pecoraro Scanio at Hon. M. Di Lello at ang mga kinatawan ng Textile Research Dep ng Pilipinas.
 
 
Huwag nating kalimutan ang tagumpay ng Fiber Filippine noong nakaraang taon”, ayon kay Piacentini. “Sa unang edisyon ng Fibre Filippine, bukod sa partesipasyon ng Valentino Moda ay bumili ito ng mga produkto na kanyang ginamit sa kanyang pinakahuling collection. Muli sa taong ito ay kinumpirma ng Valentino Moda ang kanilang partesipasyon”, dagdag pa nito.  
 
Quindi parlo anche a nome di tutti gli altri membri del comitato organizzativo di Fibre Filippine II e penso di poter dire tranquillamente che possiamo essere davvero felici dei risultati che stiamo ottenendo! Il successo di questa seconda edizione potrà essere un grande successo culturale e commerciale non solo in Italia ma anche in Europa! Ora molto dipende anche dai filippini stessi. Non è un caso che questo anno abbiamo adottato lo slogan "Be Eco! Be Global! Be Fibre!"
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako ay umuupa ng apartment, dapat ba akong magbayad ng TASI?

Ikalawang Filipino Food Fair mahigpit na sinuportahan ng mga migrante sa Roma