in

Best Fair Play Award, nakuha ng mga kabataang Pinoy sa Mondialito 2014

Roma, Nobyembre 25, 2014 – Ginanap ang awarding ceremony ng “Mondialito 2014 Coppa Roma Città Aperta” nitong Nobyembre sa Embahada ng Pilipinas sa Roma. Ito ay isang paligsahan ng tanyag na ‘calcio a 5’. Kilala rin bilang 'Ambassador’s Cup, ang Mundialito ay inorganisa ng ASD Senza Frontiere, kung saan naglaro ang mga kabataan buhat sa maraming bansa tulad ng  Bulgaria, Bolivia, Romania, Kenya, Brasil, Afghanistan, France, Philippines at iba pa. Ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng UNAR, Parlamento Europeo, Ministero del Lavoro & Politiche Sociale at CONI. Nakiisa rin ang  iba’t ibang Embahada sa Roma.

Sa nasabing pagtitipon ay naging panauhing pandangal si Marco del Brocco ng ASD Senza Frontiere, labor attachè na si Atty. Viveca C. Catalig at ang grupo ng TaskForce-OFW kung saan pinarangalan ang mga manlalarong kabataang Pilipino. Nakuha ng Team Filipinas ang 4th place at ang special award na Best Fair Play sa Mondialito 2014.

Bagaman nagbuhat sa iba’t ibang grupo, binuo ang Team Filipinas ng mga kabataang Pilipino upang lumahok at minsan pa’y ipakita ang pakikiisa at ang pagiging aktibo sa larangan ng sports. Salamat sa suporta ng labor attachè na si Atty. Viveca C. Catalig at ng TaskForce – OFW International.

Binigyang-diin ng mga panauhin sa araw ng awarding ceremony ang kahalagahan ng layunin ng nasabing torneo. Ito ay ang maitaguyod ang pagiging magkakaibigan ng mga kabataan anuman ang lahi at bansang pinagmulan bilang bahagi ng iisang komunidad, sa tulong ng sports.  

Ang aming layunin sa pagsali sa timpalak na ito ay upang matulungang mailayo ang ating mga kabataan sa mga hindi inaasahang masasamang bisyo at impluwnensya ng masamang barkada”, ayon sa TF-OFW Int’l.

Lubos rin ang pasasalamat sa mga manlalarong kabataan, sa mga naniwala at sumuporta sa inisyatiba dahil napatunayan ng ating mga kabataan ang galing sa sports at ang may dangal na pakikisalamuha sa kapwa dayuhan dito sa Italya.

Ang TF – Team Filipinas ay binubuo nina:

Playing Coach – Mark Jonn Perez Landicho
Captain Ball – Andrea Torres Panaligan
Portiere – Glenn Manila Pegad

Players:

Gian Edrick Velarde Sabado
Eros Dylan Cepillo Tabion
Justin Gregorio Gragasin
Mark Kevin Boco
Kevin Camitan Cepillo
Mark Kevin Pugal
JohnMark Caraang De La Fuente
Assiah Saffier Timothy Mandak
Estephen Agpaoa Prudenciano
Jimmy Valete Jr.
Mark James Valete Navarette

Manager – Engr. Eufrosino Bernardo Estrella
Support – Ranelo Biogos Beso
Organizer – Bro. Junn Landicho F.M

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sen. Pia Cayetano dumalo sa ICOMOS

2 menor de edad na Pinoy, nahuling nagnanakaw sa H&M