in

“Bigtime” Shabu dealer, timbog sa Milano

Walang tigil ang pagtugis ng mga awtoridad sa mga pusher ng shabu na kilala na ngayon sa buong bansa. Noong una umano ay hirap din ang mga italyanong bigkasin ang pangalan ng sintetikong droga na ito. Ngunit ngayon ay kilala na ito ng mga kapulisan at parami nang parami ang mga gumagamit nito. Dahil dito ay mas pinaigting ng mga alagad ng batas ang pagmamanman sa mga pinaghihinalaang may kinalaman sa asian drugs na ito.

Noong Miyerkules ay nasakote ng mga pulis ang isang target pusher sa Milano. Matapos ang isinagwang pagmamatyag sa mga galaw ng suspek ay isinagawa ang raid sa bahay nito sa Via Mac Mahon. Natagpuan sa loob ng bahay ang isang maliit na “laboratory” pati ang mga gamit sa pag-repack ng mga dosis. Huli sa akto ang 48-anyos na pinoy habang tinitimbang nito ang mga maliliit na sachet ng shabu. Ang nakuhang ipinagbabawal  na gamot ay aabot sa 10,000 euro kapag naibenta. Kinumpiska rin ang mga kagamitan sa pagrepack at pagtimabang pati ang 600 euro cash na maaaring galing sa napagbentahan. Nahaharap sa patong-patong na kaso ang pinoy dahil marami na itong dati pang kaso na may kinalaman sa droga. (Quintin Kentz Cavite Jr.)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italyano, biktima ng “online love affair”

Gialla at arancione: ang dalawang kulay ng Italya simula May 10