in

BINIBINING GANDANG HARI 2013

Milan – Pebrero 28, 2013 – Kinoronahan bilang kaunaunahang Binibining Gandang Hari si Miya Matsunaga ng Milan noong Feb 16, 2013 sa Hotel Michelangelo, Milan, Italy.  

Tinalo ni Miss Cairoli, o Ken Padul sa tunay na buhay, ang iba pang 11 binibini na nanggaling mula Milano hanggang Roma. Tinanghal namang 1st runner-up si Rica Santos o Miss San Babila at 2nd runner-up si Norah Powers o Miss Uruguay.

Sa direksyon ni Miss D ng GH Productions, ang organizer ng pageant, matapos pahangain ang audience suot ang kanilang traditional costumes ay sinundan naman ng pagpapasiklab ng kanilang mga galling sa talent portion. Lalong hinde magkandamayaw ang audience nang isa’t isang rumampa ang binibini suot ang kanilang lingerie na talaga namang hahangaan ng kahit na sinong tao. At sa huling pagrampa ng gabi, kakikitaan talaga ang mga binibini ng kanilang buong paghahanda para sa pageant dahil sa magagarbong kasuotan nila para sa long gown competition. Di lang mga kapwa nating Pinoy ang tumangkilik sa pageant na ito dahil ultimong mga Italiano ay nanuod ng nasabing event.

Bagama’t ito ang unang event ng GH Productions,  kitang kita naman ang tagumpay ng kanilang event. Sa isang panayam kay Sir G, bise-presidente ng grupo, ‘We launched this first event for this year, Binibining Gandang Hari, a prestigious beauty pageant that showcases not only the beauty but most especially for the quality of talents, intellectuality and individualities of our gay males and transgendered kababayans.’ Layunin nilang magtanghal ng mga event na hinde lang basta basta. Elite, de kalidad at elegante – iyan ang imaheng nais nilang ipakita sa lahat ng kanilang proyektong gagawin. Bilang kaunaunahang event, hinde naiwasang mahirapan silang humanap ng mga sponsors ngunit naniniwala sila na matapos ang tagumpay ng kaunaunahang Binibining Gandang Hari ay kampante na silang gawing isang annual event ito at bumuo rin ng iba pang event ngayong taon.

Sa huling bahagi ng pageant ay tinanong ang top 3 finalists: Ano ang halaga ng €1.000,00?

‘Para sa kin po, ang €1.000,00 ay isang napakalaking halaga, malaking pera pero hinde po to ung talagang value na nararamdaman kong maiuuwi po sa bahay kapag nabigyan ako ng chance na manalo ng title na ito. Para sa kin po hinde po importante ung pera ngayong gabi kundi po ung experience at yung experience na napatunayan ko poh inde lang po sa mga friends ko kung hinde po para sa sarili ko dahil matagal ko na po to gusto. It’s a dream come true.’ – ito ang naging sagot ni Miss Cairoli na nag-ani ng masigabong palakpakan sa audience.

Ang iba pang mga awards ay:

People’s Choice Award – Miss Porta Romana

Miss Congeniality – Miss Uruguay

Best in Talent – Miss Cairoli

Miss Photogenic – Miss San Babila

Best in Lingerie – Miss Cairoli

Best in Traditional Costume – Miss Moscova

Samantalang napili ng isa sa mga hurado na si Corn Tailor, isang Pinoy designer sa Milano, si Miss Porta Genova upang maging isang modelo niya para sa kaniyang susunod fashion show.

Ang mga hurado sa pageant ay sina:

Mario Luccini – isang professional Italian photographer

Corn Tailor – Pinoy designer sa Milano

Bryan Luntayao – image consultant

Davide Cavallo – isang house manage ng respetanong hotel sa Milano

Priscilla Palingayan – isang travel tour consultant sa Milano

Mula kay Sir G, ‘GH Production is a newly formed group which caters brand new and young faces that will surely take the center stage and captivate our hearts by their unique, neat, and dainty style of organizing events. ‘  Ang mga naging hosts ng gabing iyon ay sina Sir G at Mariane Leah Par na isa ring dating title holder sa isang beauty pageant. Mula naman sa grupong KALIPI ang official photographers and videographers ng gabing iyon.

Miya Matsunaga How did you prepare yourself for this pageant?

– I not only physically prepared myself for the pageant but also emotionally and spiritually.

Did you have any relevant experience with other beauty pageant?

– No, that was my first experience joining a beauty pageant.

How were you when you were on stage?

– I was bit nervous actually it was a mixed emotions and i felt butterflies on my stomach.

What was your greatest strength or what makes you stand out among the other contestants?

– Well, I think, we, the candidates, were all deserving to win the crown but I think what makes me stand out among the others was my simplicity and being myself on stage.

What’s your biggest weakness?

– My biggest weakness talaga during sa pageant was ung pagiging mahiyain ko talaga especially dahil maraming tao and that was also the reason why Ii decided to join to overcome this shyness.

By winning the title, what are your expectations or thoughts about this?

– Actually I was not expecting to win the title, besides I just joined the pageant for experience but of course it was a competition and to get the crown is the goal. I really enjoyed it at namimiss ko na nga actually un gabing un. I have to thank all of my friends who were there to support me.Tinago ko sa mama ko ang pagsali dito but dahil sa fb nalaman nila and the funniest and "touching" thing na hinde ko iniexpect sa mama ko ay un sinabi niya na congrats daw at sana daw ay sinabi ko para nakapanood sya at nasupportahan nia ako. (ulat at larawan ni: Jacke De Vega)

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang boom para sa M5S, walang katiyakan naman para sa mga imigrante

FLUXUS PHOTOGRAPHY