in

Bishop Cilibreti: “Itigil ang pagtanggi sa mga dayuhan”

May karapatan ang isang tao at ang lumikas sa kanyang bansa

Vatican City – Aug. 11, 2010 – “Ang bawat tao ay may karapatang lumikas sa kaniyang bansa na dala-dala saan man pumunta ang kaniyang identity”. Sinabi sa Radio Vaticana ni Mons. Ciliberti ang Archbishop of Catanzaro-Squillace at Vicepresident of the Bishop’s Conference in Calabria na 
hindi natin pwedeng pigilan ang ating kapatid nang walang dahilan, saan man siya nanggaling, ano man ang kaniyang pinaggalingan, siya ay umalis sa sariling bansa marahil dahil sa hirap ng buhay.

“Tama at nararapat – ang sabi ni Ciliberti – na ang ating mga kapatid ay tanggapin ng maayos, nang may makakristiyanong espiritu, kung saan ang ating bansa ay ating mundo at bawat tao ay ating kapatid, wala sinumang may karapatang maging maligaya kung nag-iisa at ang ating kaligayahan ay ang gawing masaya ang iba”.

Sa Italian law of migration, sinabi ni Ciliberti, na ang magtatag ng isang angkop na batas ay isang tungkuling dapat isagawa ng tama, na siyang mangangalaga sa dignidad ng tao nang hindi maapektuhan ang iba pa niyang mahahalagang katangian. (Liza Bueno Magsino)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Estudyante: pwede ng mag-aplay sa italian universities

70 anyos may sakit, walang permit to stay, hindi na pauuwiin