in

BISITA NG POLO-OWWA SA CAGLIARI PINAGHAHANDAAN

alt

Pinaghahandaan na ng mga taga-Cagliari ang nakatakdang pagbisita ng tanggapan ng Philippine Overseas Labor Office sa darating na ika-6 at 7 ng Agosto taong kasalukuyan.

Ang grupo ng POLO at OWWA sa pangunguna ni Labor Attache Chona Mantilla at Welfare Officer Lyn Vibar kasama ang SSS at Pag-Ibig ay magsasagawa ng dalawang araw na Outreach Program sa nasabing lugar.

 

Layunin ng grupo na makapagsagawa ng Direct  Hire Authentication, Renewal/New Application ng OWWA at maging application ng SSS at Pag-ibig.

 

Ang unang araw na actvitiy na tinaguriang Konsulatasyong Labor at OWWA ay gaganapin sa ‘Localeng Pinoy’ nina Peter at Edlyn sa Via Eunaudi, 16. Dito tatalakayin ang kahalagahan ng mga serbisyong kaloob ng gobyerno. Kasabay na rin nito ang pagsasagawa ng iba pang dokumentasyon. 

 

Ipagpapatuloy naman ang mga services sa ikalawang araw (Linggo) sa Campo Terra na kung saan idinaraos ang BSYC Basketball and Summer Legue 2011. Kaalinsabay ito sa presentation of Teams na sumali sa Summer League.

 

Ang Bisitang POLO-OWWA sa Cagliari 2011 ay isasagawa sa aktibong partisipasyon ng Mary Immaculate of Cagliari, DGPI Dangal ng Guardians Cagliari at ng Balitian Starlight Youth Club. (BSYC) – ni Elmer Orillo

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bandilang Pilipino muling itinaas ng Sining Kumintang ng Batangas

Pinay binugbog ng mga Pulis!