Puspusan ang paghahanda ng mga kabataan ng Black Squadron para sa nalalapit na World Championships 2017, na gaganapin sa Santa Cruz De Tenerife Spain sa October 25-29 ngayong taon.
Puspusan ang paghahanda ng mga kabataan ng Black Squadron para sa nalalapit na World Championships 2017, na gaganapin sa Santa Cruz De Tenerife Spain sa October 25-29 ngayong taon.
Pinangalanang PASK-NSA o Philippines Advance Sport Karate NSA, ang pinagsamang mga kabataan ng Black Squadron (17 kabataan) at Okinawan (2 Okinawan) na pawang mga grupo ng karate sa Roma at sila ang opisyal na kinatawan ng Pilipinas sa nasabing world competition kung saan maglalaban-laban ang mga kabataan mula 14-15 anyos Cadetti, 16-17 anyos sa Junior at 18-20 anyos ang Under 21 mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ito ay kinumpirma ni Giuseppe Romano, ang kasalukuyang technical director at coach ng grupo na kasama ni Dante Atajar, ang trainor at founder/president ng Black Squadron.
Si Giuseppe Romano ay dating instructor ng RP karate team mula taong 2001 hanggang 2007. Pagkatapos ay naging coach ng national team ng India, Kosovo, Moldavia, Libya, Uzbekistan at Bolivia. Sya rin ang naging instrumento para maging bahagi ng nasabing kompetisyon ang PASK-NSA.
“Ito ang tunay na laban”, ayon kay Atajar. “Bagaman marami ng naiuwing medalya ang grupo sa iba’t ibang kompetisyon dito sa Italya, ang pagkakataong dalhin ang ating bandila sa isang world competition ay malaking karangalan sa mga bata lalo na sa kanilang mga magulang na walang sawa ang suporta sa kanilang mga anak.”, dagdag ni Atajar.
Sa katunayan, nakamit ng grupo ang unang tagumpay, 3rd place, sa ginanap na Torneo Internazionale sa Aradeo Lecce noong nakaraang June 30. Sina Angelo Duenas, Emmanuel Toleos, Dhilan de Castro, Jireh Angelo Buno at Justine Deocampo ang mga unang kinatawang miyembro ng PASK-NSA.
Bilang paghahanda ay sumasailalim sa mahigpit na training ang mga bata: 6 times a week: umaga at hapon, kwento ni Atajar.
“Sa ang 19 na mga kabataan ang nasa training pool. Sila ay aming inihahanda lahat at kung sa pagdating ng torneo sila ay handang handa na ay pipilitin kong madala silang lahat.”
Ayon pa kay Atajar, alam umano niya na mabibigat ang mga sasagupaing bansa. “Ngunit kung hindi man namin sila malampasan ay makatapat man lang ay masaya na ako. Magsikap, sipag, tiyaga at puspusang ensayo lang” aniya.
Samantala, higit na suporta umano ang hiling ni maestro mula sa mga magulang ng mga bata. “Sana ay unawain nila ako kung bakit araw-araw ang training. Ito ay para sa mga bata at ang dala naming ngayon ay hindi lamang an gaming grupo kundi ang ating bansa na”.
Bilang pagtatapos, humihingi si Atajar, sampu ng mga magulang ng suporta sa mga kababayan sa Spain. “Mga kababayan, kami po ay lumalapit sa inyo na naninirahan sa Spain. Humihinigi po kami ng inyong suporta na malaki ang maitutulong sa grupo”.
Under 21:
1. John Sache Del Rosario
Juniors and Cadets:
2. John Angelo Duenas
3. Daniel Kerstian de Castro
4. Kevin Peraz
5. Micah Monique Anonuevo
6. Eliza Ramirez Garcia
7. Hannah Mae Bui Thi
8. Suzzane Jane Espina
9. Aivan anyayahan
10. Dhilan de Castro
11. Leigh Justine Rosal Deomampo
12. Emanuele Toleos
13. Lhynon Rhom Catibog
14. Raphael Bermudez
15. Romelie Manuel Ebrado
16. Alexandra Michaela Anonuevo
17. Megan Casanova
18. Angela Hernandez
19. Kevin Olivera
PGA
Basahin rin:
Black Squadron humakot ng 8 gold, 11 silver at 7 bronze medals
Black Squadron, humakot ng medalya sa National Karate Tournament