in

Blood Donation at Anti-doping, kampanya ng Pinoy Runners Club of Milan

Tag-init na sa Europa! Ang mga beaches at swimming pools ay tiyak na dinudumog ng marami. At hindi lamang ito, dinudumog din pati ang pag-oorganisa ng mga summer sports activities.
 

 

 


Milan, Hulyo 27, 2015 – Isa sa popular o tanyag na sports ay ang running o marathon tuwing summer season. Kaugnay nito, ang Pinoy Runners Club in Milan ay lumahok at nakiisa sa kampanya ng Milan marathon club partikular sa Magnolia Run na tinatawag na “PURO SANGUE” o ang “pure blood” na inorganisa nina Nico Pannevia at Max Monteforte.

Bukod sa pakikiisa, kampanya ng Pinoy Runners Club in Milan ang humikayat ng mga kababayan para mag-donate ng kanilang dugo para sa mga nangangailangan nito bilang pagsuporta sa Filipino Blood Donors of Milan sa pamumuno ni Gng. Tessie Acuña.

Ang 6 kilometer run na ginanap sa Idroscalo, Milan ay nilahukan ng mahigit isang libong runners, kabilang ang mga Pilipino.

“PUROSANGUE, is a big project for no doping not only here in Italy but in whole Europe”, wika ni Nico Pannevia, ang organizer ng naturang 6k run.

Dagdag pa ng organizer na mayroon silang malaking marathon club sa bansang Africa na may mga malalakas na atleta. Sa katunayan isa aniya sa kanilang african runner ay nanalo noong nakaraang Roma City Marathon.

Sports must be clean as possible and a big NO to doping”, ayon naman sa co-organizer na si Max Monteforte. Ipinaliwanag pa niya na ang nakalagay sa banner na PUROSANGUE ay nagpapakita ng isang runner na tinatawid ang finish line ay binabasag ang hiringilia na naglalayong magbawal sa paggamit ng droga bilang pampalakas. Ito ay madalas na ginagamit ng mga atleta para manalo sa anumang sports at makilala siya sa buong mundo, ani ni Monteforte.

At base sa kanilang datos, zero % ang kasong doping sa larangan ng pampalakasan sa kanilang marathon club sa Africa.

Subalit ayon sa pananaliksik ng Ako ay Pilipino umabot ng 20% sa mga sports enthusiasts ang bumagsak sa drug test noong taong 2013.

Matatandaan din na isang Italian rider na si Mauro Santambrogio ay nagpositibo sa blood-boosting hormone EPO, kung kaya’t nasungkit niya ang stage 14 ng Giro d’Italia noong 2013.


 

Samantala, sinabi naman ni Archie Cunanan, ang presidente ng Pinoy Runners Club in Milan, na maliban sa kampanya ng Italian Sports Club partikular ng PUROSANGUE, lumahok din sila para sa kanilang kampanya ng pagdo-donate ng dugo kung kaya’t nararapat umanong manatiling maayos ang kalusugan ng bawat isa upang masigurado ang malinis na dugo sa pagbibigay nito.

Mayroon kaming almost 100 active members, halos kalahati ng mga members ang tumakbo at ang iba naman ay may mga commitments kaya hindi sila nakapunta”, dagdag pa ni Cunanan.

Sa katunayan, isa sa mga lumahok sa 6k run ay isang kasapi ng Filipino Blood Donor of Milan.

Be fit, stay healthy, and live healthy, so we can donate blood para makakatulong sa ibang tao. 1 bag is equivalent to 3 lives saved”, wika ni Jeraldine Soriano. “Hindi lamang para sa mga Pilipino ito kundi pati sa kahit na anong lahi. Kami ay tutulong hangga’t may mga pasyente na nangangailang ng dugo”, aniya.

Sa pag-ikot ng mga mananakbo sa tabi ng malawak na ilog ng Idroscalo ay nauna ang isang Italian runner na may time record na mahigit 18 minuto. Ang mga Pinoy runners naman na bitbit ang bandila ng Pilipinas ay nakarating rin sa finish line. Pinakahuling umabot sa finish line ang kababayan natin na si Ms Terry Bernardo, isang cancer survivor na nakabase sa Milan. Ayon sa event organizer, nakatawid si Bernardo sa finish line na may time lap na isang oras.

Subalit sa kabila ng lahat, natutuwa ang mga bumubuo ng naturang event sa dami ng sumuporta sa kanilang proyekto at inaasahan nila na sa susunod pang mga campaign run ay madodoble ang bilang ng mga runners.

Everybody is really doing great…. So I am inviting all OFW here in Milan to join us…. Health is wealth”,  ani ni Bernardo.

Kahit mahirap ang buhay dito dahil sa trabaho at mahirap mag-organisa ng mga ganitong event ay nagagawan din namin ng paraan dahil hilig namin ito. Kaya sinamantala naming sumali sa 6k run”, ayon kay Eugene Evangelista, Pinoy Runners Club in Milan member.

Hinihikayat ko lalo na ang mga kabataan para lumayo sa mga masasamang bisyo, pasukan ang sports at manatiling malusog”, ani ni Eric Bon Fetalvero.
 
Sa pagkain, kailangan balanced diet, and running is not only good for the soul, so sana tumakbo po tayo”, ayon naman kay Jen Dizon.

Ayon kay Gary Eden, “ang paninigarilyo at pag-inom ng spirited drinks ay ilan sa mga problema sa lifestyle ng mga Pinoy sa abroad. Masyado ring nakatuon ang pansin sa trabaho at nakakalimutan na minsan ang kalusugan. Through exercising, nababawasan ang gastos, dahil only one pair of running shoes, shorts and sando lang ang kailangan. Ika nga mas maganda ang prevention kaysa sa cure.”


 

Tulad ng mga nakapanayam ng AaP, hindi sapat ang paglahok sa mga sports events kundi kailangang patuloy pa ring panatilihin ang maayos na kalusugan sa pamamagitan ng exercise at tamang diet upang maging physically fit ang bawat isa.

 

ni Chet de Castro Valencia

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Boom ng aplikasyon sa citizenship, mahirap matugunan

BLUE FALCON Montecatini 1st Bowling Tournament, tagumpay