in

Blood donation hatid ng Ang Dating Daan

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-32 anibersaryo ng Ang Dating Daan, ay nagsagawa ang grupo sa pamumuno ni Bro. Eliseo Soriano at Bro. Daniel Razon ng isang malawakang Blood Donation sa Italy nitong buwan ng Nobyembre.

Ginanap sa Embahada ng Pilipinas, sa pakikipagtulungan ng mga kinatawan ng Embahada sa Italya at ng kasalukuyang konsahal sa Roma, Romulo Salvador.

"Ako ay lubos na natutuwa dahil dalawang beses sa isang taon ay ginagawa ng grupo ang very symbolical at life-giving project na ito", ayon sa konsehal.

Layunin ng grupo na sa pamamagitan ng blood donation ay makatulong hindi lamang sa mga kababayang nangangailangan kundi maging sa host country.

Tumagal ng tatlong oras ang nasabing proyekto kung saan nakalikom ng 27 blood bags.

Bukal sa kalooban ang naging partesipasyon ng limampu’t dalawang nagpatalang donors. Maging ang Italian donor na si Francesco Romano ay natutuwang naging bahagi ng proyekto at umaasang ipagpapatuloy ang magandang simulaing ito.

Gayun din si Boy Vergara, "Ako po ay masayang-masaya dahil bukod sa naging bahagi ako ng proyekto ni Bro. Eli ay makakatulong sa mga nangangailangan".

Lubos naman ang pasasalamat ng Red Cross, sa pamamagitan ni Dr. Tommaso De Angeli sa Ang Dating Daan sa patuloy na pagsasagawa ng makabuluhang proyekto. (ni: Edith Artates)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Maria Camille Ann Cabaltera, sa semi-finals sa Italian talent show

Manila Archbishop Luis Antonio Tagle bilang bagong kardinal