in

BLUE FALCON Montecatini 1st Bowling Tournament, tagumpay

Bukod sa magandang layunin ng sports ay nagbigay rin ito ng inspirasyon upang makapag-organisa ng mga tournament.

Lucca, Hulyo 27, 2015 – Nagsimula ang lahat noong nakaraang taon. Ito ay ng magpadala ng mga kinatawan ang Blue Falcon Guardians sa Modena upang sumuporta sa Modena Fundraising Bowling Tournament. Bukod sa magandang layunin ng sports event ay nagbigay rin ito ng inspirasyon sa Blue Falcon Montecatini upang mag-organisa ng kanilang sariling Tournament.

Bilang katuparan sa naging hangarin, nitong Hulyo, isang masaya at matagumpay na liga ang pinangunahan ng mga Opisyales ng One Solid Brotherhood ng Gpii Blue Falcon Montecatini na sina Founders Elmer Torpedo Alvarez at Joven Trez Garcia, President Jose Lakay Oria Jr at  Vice President Napoleone Spade Rueda. Ito ay ginanap sa Palasport Bowling Lucca at dinaluhan ng iba’t ibang representante galing sa iba’t ibang lugar.

Dumalo ang Pontedera Bowling Team, Livorno Bowling Team, Modena Bowling Team, dalawang teams ng GPII Red Eagle ng Firenze, Pinoy Sports Club Firenze, Bar Coffee Street Montecatini Team at ilang teams ng GPII Blue Falcon Montecatini.

Nagwagi ang Livorno Team sa nasabing liga. Pumangalawa naman ang Pontedera Team na sinundan ng Blue Falcons at 3rd runner up naman ang GPII  Red Eagle ng Firenze.

Nakatanggap ng highest pointer award sa Men’s Division si Sir Elmer Clemente at si Madame Marivic Tantay naman sa Women’s Division.

Lubos ang pasasalamat ng mga organizers sa may-ari ng Palasport Bowling Lucca na si Sig. Roberto Franchini na sumuporta mula sa unang sandali ng tournament hanggang sa awarding ceremony na nag-improbisa pang emcee lakip ang kanyang pangak ng susuporta sa mga susunod pang paliga.

Napakagandang pagmasdan ang iba’t-ibang kulay ng teams na dumating ngunit bigkis ng iisang layunin: ang makatulong sa mga nangangailangan.

Ang nasabing Tournament ay isang fundraising para maisakatuparan ng Blue Falcons ang kanilang misyon na pagtulong sa mga kababayan natin sa Pilipinas na higit na nangangailangan. Napagod man ang katawan ng lahat ng sumali sa pagdiriwang, masarap naman na naipikit ang mga mata sa pagtulog sa gabing iyon dahil alam ng lahat na ang hakbang na ginawa nila ay may magandang patutunguhan.  

ni: Quintin Kentz Jr Cavite

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Blood Donation at Anti-doping, kampanya ng Pinoy Runners Club of Milan

CROCOBURGER dinudumog sa EXPO 2015 Milan