in

Botohan 2022, abiso mula sa PCG Milan 

Simula sa araw ng ika-10 ng Abril hanggang sa ika-9 ng Mayo, 2022 (hanggang ala-una lamang ng hapon sa Italya), ay gaganapin ang isang buwang OVERSEAS ABSENTEE VOTING para sa National Election 2022,  dito sa Italya.

Partikular sa ilalim ng hurisdiksyiyon ng Konsulado ng Milan, ang pagboto ay maaaring sa pamamagitan ng PERSONAL VOTING o pagtungo sa Konsulato at doon mismo gawin ang pagkompila sa balota. Maaari din namang POSTAL VOTING o ipapadala sa pamamagitan ng Posta ang ating mga balota sa ating mismong tirahan. 

Kung nais ipadala sa posta ang balota, asahan ang pagdating ng voting packet sa ikatlong linggo ng Abril, 2022. Sagutan ang balota at ipadala pabalik sa Konsulado na nakasilid sa voting packet. Maaari ding dalhin ito nang personal sa Milan Consulate at tandaan na kailangang makarating ito bago matapos ang takdang oras na ala-una ng hapon sa ika-9 ng Mayo.

Kung nais namang kunin nang personal ang balota. Ipaalam agad sa Konsulato sa pamamagitan ng personal na pag-email sa milanbalota2022@yahoo.com bago mag-ika-10 ng Abril, 2022. Hindi maaaring ipakikuha sa iba o ipa-posta sa iba. Ang lahat ay sa pamamagitan nang personal o indibidwal na pamamaraan.

Hintayin din ang opisyal na anunsyo kung nagkataong may Mobile Consular service sa inyong siyudad o probinsiya, ipaalam din kaagad sa pamamagitan ng personal e-mail upang madala sa lugar ng mobile service. Maingat na sagutan ang inyong balota at isumite sa Board of Inspectors na naroon. 

Ang makakaboto lamang ay ang mga kasama sa CERTIFIED LIST OF OVERSEAS VOTERS for PCG MILAN (https://comelec.gov.ph/…/2022NLE/CLOV/EUROPE/MILAN.pdf) at sa CERTIFIED LIST OF OVERSEAS VOTERS for SEAFARERS (https://comelec.gov.ph/…/2022NLE/CLOV/SEAFARERS_CLOV.pdf) para sa Milan Jurisdiction.

Hindi na kinakailangan ang pagkuha ng appointment para bumoto. Pero kung may ibang consular transaction na gagawin sa Konsulado, dapat na kumuha para sa nasabing transaksyon gaya ng para sa passport renewal, pagpapa-notaryo, o serbisyo para sa OWWA, SSS o PAG-IBIG.

Tandaan na ang Konsulado ng Milan ay bukas para sa BOTOHAN mula Lunes hanggang Linggo, maging sa araw ng piyestang opisyal at mga araw ng Pascua

Let us exercise our right to vote and VOTE WISELY. Ang balota ay ekstensiyon ng iyong Karapatan upang makapamili ng mga nararapat na mamuno sa ating bansa. Gawing adbokasiya ang pagpili ng TAPAT NA PAMUNUAN ng bayan.

(Dittz Centeno De Jesus)          

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Facebook page ng PCG Milan

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 2]

John Erik, ang Fil-Italian na natural talent ng ‘Amici’ 

Desisyon ng EU ukol sa fourth dose ng bakuna kontra Covid, malalaman sa susunod na linggo