Ang taunang anibersaryo ay isa sa okasyon na ipinagdiriwang bilang paggunita sa mga naumpisahan tulad ng pagkakatatag ng isang grupo o asosasyon.
Isa na dito ay ang anibersayo na ipinagdiwang ng grupong Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa – ITALY EUROPE o RAM-IE noong ika-29 ng Hunyo ng taong kasalukuyan.
Sa pangunguna ni Founder Prime Nazareth Larido at ng kasalukuyang Pangulong Rafaelita Figueroa, ginanap ang RAM 4th Founding Anniversary Bowling Tournament sa Tiam Bowling Roma sa Viale Regina Margherita.
Sinamahan ang RAM-IE ng ilang grupo ng manlalaro ng bowling na kabilang sa Filipino Bowlers Association in Italy o FBAI na pinamumunuan ni Mr. Randy Fermo. Kabilang dito ang mga sumusunod: Catandugueños in Italy Achievers Organization (CIAO), Filipino Bowlers in Italy (FBI), Guardians International Strikers, Knights Bowlers, Pinoy Bowlers Association (PBA), Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa (RAM), Rome Bowlers Association ( RBA ), Tropang Bowlers Association in Italy (TBAI).
Ang nagwagi ay ang mga sumusunod: 3rd runner up – Lod, Rommel, Archie and Romie P. (Knights) 2nd runner up – Egay, Leo S., Willy and Mario O. ( CIAO) 1st runner up – Baby, Panot, Joel and Rhomie M. (RAM) CHAMPION – Bruce, Rico, Angela and Mario R. (PBA) Highest Game (Women) – Shannen Pascual Highest Game (Men) – Mark Aniz.
Nagkaroon ng masaganang salo-salo pagkatapos ng palaro at ganon din ng mga raffle.
Isang maayos at masayang selebrasyon ang naganap. Pinatunayang muli ng mga Pilipino ang kanilang pagkakaisa tungo sa ikagaganda ng samahan na kanilang kinabibilangan.
Mabuhay mga Overseas Filipino Workers, Mabuhay ang mga bowlers!
Eiron Ignaco