Ito ang patuloy na panawagan maging sa mga Pilipino sa Italya.
Roma, Mayo 2, 2013 – Dumating mula sa Comelec ang mga balota ng mga botanteng rehistradosa Roma noong nakaraang April 19. Umabot sa 43 boxes na naglalaman ng 12,666 electoral mails para sa kinasasakupan ng Embahada ng Pilipinas sa Roma.
Nanatiling bukas ang tanggapan ng Embahada maging Sabado, Linggo at maging holiday para sa mga botante hanggang noong nakaraang April 26.
Samantala, ang mga hindi nakarating ng personal ay ipinadala sa pamamagitan ng priority mail ang mga balota diretso sa tirahan ng mga botante.
Isang paalala para sa sinumang nakatanggap at makakatanggap pa ng mga ‘electoral mails’ na matapos maisagawa ang pagpi-fill up ng balota ay maaari na muli itong ipadala sa pamamagitan ng koreo o di kaya’y personal na magtungo upang ihulog ang balota sa ballot box.
Nananatiling bukas ang Embahada kahit Sabado at Linggo, mula 9am hanggang 5pm upang tanggapin ang mga balota.
PAMAMARAAN SA PAGBOTO
Matapos matanggap ang inyong mga Electoral Mails, sundin ang sumusunod na paraan sa pagboto bilang Overseas Absentee Voter:
1. Isulat ang mga pangalan ng mga kandidato (12 Senador) at ang pangalan, o acronym ng sectoral na partido/samahan o koalisyon na kalahok sa Party-List System (1) sa inyong balota;
2. Ilagay ang inyong right thumbmark sa Ballot Coupon na matatagpuan sa ibabang bahagi ng inyong balota;
3. Baklasin ang Ballot Coupon at ilagay ito sa loob ng Ballot Envelope;
4. Itiklop ang inyong balota sa paraang ang mga nilalaman nito ay hindi makikita at i-seal ito na gamit ang Paper Seal;
5. Ilagay ang inyong balota sa loob ng Ballot Envelope at i-seal ito;
6. Isulat ang inyong pangalan at lagda sa itaas na kaliwang sulok ng Ballot Envelope;
Ang Ballot Envelope na walang lagda ng botante ay magiging Invalid Ballot.
7. Ibalik ang selyadong Ballot Envelope sa Philippine Embassy Rome o sa pamamagitan ng mail bago ang May 13, 2013. Dapat matanggap ang balota sa o bago ang 01:00 o'clock nga hapon dito sa Italya, ng 13 Mayo 2013.
Tandaan na kapag ipadadala sa koreo ang balota, lagyan ito ng stamp o selyo at dapat maihulog sa Poste Italiane bago ang May 10, 2013 upang umabot ito sa Philippine Embassy Rome ng 01:00 ng hapon dito sa Italya, ng 13 May 2013.
Sa pagkakataong hindi makarating ang balota sa kadahilanang mali o kulang ang address na nakasulat dito, ang balota ay babalik sa Embahada. Sa pamamagitan ng website www.philembassy-rome.netay ilalathala ang mga pangalan ng balotang ibinalik ng posta dahil sa maling address at maaring kunin nang personal.
Ang pagtanggap naman ng mga balota ay itinakdang hanggang ika-13 ng Mayo, ala-una ng hapon (Italy time). Ang araw na nabanggit ay idineklara bilang official National Holiday sa Pilipinas ngunit ang Embahada, bagaman sarado ang Consular Section ay mananatiling bukas para tumanggap ng mga balota.
Magsisimula ang canvassing o bilangan ng balota sa ganap na ala-una ng hapon ng araw na nabanggit.
Magpapatuloy rin ang pagsusumite ng ‘manifestation of intent to vote’ hanggang sa huling araw ng eleksyon para sa mga rehistradong ofws na hindi nakaboto sa huling dalawang eleksyon.
Mangyaring magtungo lamang sa Philippine Embassy sa Roma o sa Philippine Consulate General sa Milan (o kung saan rehistrado), upang personal na ipahayag ang ‘intent to vote’ at pirmahan ang blank OAVF no. 2A. Magdala lamang ng anumang identification card na may litrato upang muling makaboto hanggang May 13, 2013.
Ang listahan ng mga rehistradong botante na hindi nakaboto sa nakaraang dalawang eleksyon ay maaaring matagpuan sa websites:
http://www.comelec.gov.ph/oav/uploads/pdf/oav_lists/FailedToVoteTwice.pdf
http://dfa-oavs.gov.ph/images/pdf/failedtovote.pd
Ang Honorary Consulate sa Reggio Calabria ay mananatili ring bukas upang tumanggap ng mga balota at magbigay impormasyon ukol sa pagboto.
Isang panawagan din buhat sa Philippine Consulate General sa Milan na nagsasagawa rin ng POSTAL VOTING. Kung kaya’t ang sinumang lumipat ng tirahan, ay inaanyayahang ipagbigay alam agad sa Konsulado ang bagong address. Kung hindi nakarating ang balota sa kadahilanang mali o kulang ang address na nakasulat, ang balota ay babalik sa Konsulado at maaari itong kunin nang personal. Pagkatapos sagutan ang balota, ihulog ito sa posta o ihatid nang personal sa Konsulado bago mag ala-una ng hapon (Italy time) ng 13 Mayo 2013.