Roma, Marso 26, 2014 – Si Sheryl dela Cuesta, tubong Taal, Batangas, ay ang natatanging Pilipina na kabilang sa isang Italian art exhibit na nagpupugay sa kalinangan sa iba't ibang uri ng sining ng mga batang kababaihan dito sa Italya. Part-timer at maglilimang taon nang nahihilig sa photography.
Ang La Mente Artistica – Giovani Donne Artiste a Confronto o The Artistic Mind – Young Women Artists in Comparison ay itinanghal sa Teatro Dei Dioscuri al Quirinale mula Marso 6-8 kasabay ng pagdiriwang ng International Women's Day. Ang exhibit ay inorganisa ng L’Associazione Cuturale ArtisticaMente na may layuning ipalaganap ang kultura sa pamamagitan ng sining.
Kilala bilang Bushe, siya ay nagkaroon ng imbitasyon mula sa Embahada ng Pilipinas na magpasa ng kanyang mga litrato na may kaugnayan sa tema tungkol sa kababaihan. May titolong Karen: Essence of a Woman ang kanyang black and white na litrato kung saan pinapakita nito ang isang buntis na babae na para kay Bushe ay "isa sa favorite shot ko yun, nung sinabi nila na all about women (ang tema) iyon ang unang photo na pumasok sa isip ko na pwede kong isubmit. The Essence of a Woman: Yung happiness na siya lang ung nakakaramdam lalo na pag gumagalaw or "sumisipa" yung baby mula sa sinapupunan nya. The miracle of life".
Isa sa mga naging Most Improved Photographers si Bushe ng grupong Pinoy Photographers Club in Rome o PPCR. Ang kalimitang subjects na nakakapukaw ng kanyang interes ay 'Mga babies, kids, anything and anywhere during blue hour, sunrise and sunset.'
Bilang OFW, anu ang iyong pananaw sa mga kababayan nating nahihilig sa photography?
Nakakatuwa na dumadami na yung mga nagkakainterest sa photography; mapabata man o hindi, o kahit pa nga buong pamilya. Tapos parang bonding na din nila kahit pa super busy sa trabaho, Nagkakasama sama basta sa picture-an. Yung iba sumasali sa photography groups at naglalaan talaga ng oras magbasa online para may bagong matutunan. At marami na din yung mga inilelevel-up yung photography, yung ginagamit na din nila ito as another source of extra income like pagcover ng events na hindi talaga isang birong raket dahil hindi kasabay ng pagtatapos ng event ang pagtatapos ng mga dapat mong gawin.
Paano mo pinapahalagahan ang hilig mo sa photography?
Sobrang mahalaga, hindi lang siya simpleng hobby. Andun ung yung contentment kapag nakuhaan mo iyong gusto mong maachieve na photo or minsan matutuwa ka na lang kasi gandang ganda ka sa tinatawag na "chamba shot" mo at dahil doon ay may matutunan ka na naman na bago. Masaya kapag may nakaappreciate na ibang tao sa mga kuha mo at kapag may pagkakataon na mai-share mo sa iba ung nalalaman mo.
Favorite photographers?
Yen Baet, Josephine Sicad, Jay Jay Lucas, Jenny Sun, Manny Librodo, Jasmine Star.
Your dream as a photographer?
I want to make a book. Yung ang laman ay its either a collection of black and white photos or blue-hour in different places. Dream lang naman!
Mensahe ni Bushe sa mga nahihilig sa photography, "Push nyo pa! Wala sa brand or model ng camera yan, nasa sa inyo yan, dahil hindi naman makakakuha ng magandang picture ang camera kung hindi ninyo gagamitin. Masarap sa pakiramdam ung may magbigay ng papuri sa gawa mo pero wag panghihinaan ng loob kung may magbigay ng criticisms. Enjoy the world of photography!". (Jacke De Vega)
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]