in

Busto ni Gat Jose Rizal matatagpuan na rin sa Milan

Matatagpuan na ang busto ng ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal sa Philippine Consulate General sa Milan, Italy.

 

Milan, Disyembre 7, 2015 – Isinagawa ang unveiling ceremonies ng busto ng ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal sa PCG Milan at ito ay pinangunahan ni Consul General Marichu Mauro at ni Order of the Knights of Rizal Europe Regional Commander Cesar Alcoba na naka-base sa Brussels.

Ang naturang seremonya ay dinaluhan ng iba’t ibang chapters ng Order of the Knights of Rizal o OKOR sa Italya tulad ng Firenze, Roma, Cagliari, Modena at mga karatig bansa tulad ng Paris, France at Brussels Belgium.

Dumalo din ang Filipino community upang saksihan ang nasabing unveiling ceremonies.

Laking pasalamat ni Consul General Mauro kay Alcoba sa dala nitong busto ni Rizal na mula pa sa Pilipinas at gawa sa purong tanso.

Ayon kay Alcoba, nagkataon na pauwi ito sa Pilipinas upang dumalo sa isang International Assembly ng OKOR at hiniling ni Mauro sa kanilang grupo ang mabigyan sila ng isang busto ni Rizal.

Nilapitan ko si Supreme Commander Reghis Romero II, walang dalawang salita, sabi niya, ok na yan, approved na yan”, wika ni Alcoba. Hinintay pa umano ang ilang araw bago nakarating ang busto ni Rizal sa Italya dahil ito ay nakasilid sa isang diplomatic bag.

Ito aniya ay isang paalala sa mga kababayan natin lalo na ang mga kabataan na nasa ibayong dagat kung sino ang pambasang bayani ng Pilipinas.

Samantala ikinagagalak din ni Consul General Marichu Mauro ang pagkakaroon ng isang busto ng ating pambansang bayani sa Milan, Italy.

Isang karangalan ng konsulado sa Pilipinas sa Milan at ipinaabot ng Filipino community ng Milan at Northern Italy ang kanilang congratulations sa ating lahat sa unveiling ng busto ni Jose Rizal”, masayang sinabi ni Mauro sa Ako ay Pilipino.

Sa kabila nito, natutuwa din nsi Paris, France OKOR chapter member Richard Villanueva na maimbitahan upang saksihan ang nasabing sermonya.

Sinabi niya na ang layunin ng OKOR ay upang ikalat ang ideolohiya ni Gat Jose Rizal Aniya, sa pagkakaroon ng busto ni Rizal sa Milan ay magkakaroon din ng isang busto ng atin bayani sa Paris, France.

Actually nai-submit na natin ang layout kay Paris Mayor Anne Hidalgo, which is the animations and rendering nung bust ni Rizal, ay ako ang nag design nun”, wika ni Villanueva.

Hinihintay lamang nila ang approval ng lokal na gobyerno ng Paris, France ang pagtatalaga ng busto ng atin pambansang bayani sa plaza ng naturang lugar. Ang isa pang monumento ni Rizal ay matatagpuan din sa Piazza Manila sa Rome.

Ang Order of the Knights of Rizal o OKOR ay isang fraternal at cultural organization na layuning ipamulat sa bawat Pilipino, maging sa buong mundo, ang mga ideology ni Jose Rizal. Ito ay nagsimula noong taong 1911 hanggang sa ito ay pinahintulutang maging legislative charter na nagresulta sa isang civic at patriotic organization noong taon 1951.

 

ni Chet de Castro Valencia

Larawan ni Jesica Bautista

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pangulong Aquino sa Filipino Community Meeting sa Roma

2 Kabataang Pinoy sa Italya, humakot ng award sa Int’l Best Male & Female Model World 2015